Author Topic: Trillanes dismayado sa pamilya ni Kian  (Read 952 times)

rogamz

  • INTERN
  • **
  • Posts: 639
    • View Profile
Trillanes dismayado sa pamilya ni Kian
« on: August 30, 2017, 05:46:42 AM »
Nagpahayag ng pagkadismaya ang isang senador sa ginawang pakiki­pag-usap ng mga magulang ni Kian Loyd Delos Santos kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, tila­ hindi alam nina Saldy at Lorenzana Delos Santos na kaya napatay ng Caloocan City police ang 17-anyos nilang anak na si Kian ay dahil sa pagsunod sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

“I hope alam ng mga magulang na namatay si Kian Delos Santos dahil kay Duterte, dahil sa polisiya ng pagpatay,” diin ni Trillanes.

Umabot umano ng dala­wang oras ang pakikipag-usap ng mag-asawang Delos Santos kay Pangulong Duterte kung saan dakong huli ay nagkamayan pa ang mga ito at nagpalitrato habang naka-fist bump.

Kinuwestiyon naman ni Trillanes kung sino ang nag-udyok sa mag-asawa na magpakuha ng litrato habang naka-fist bump.

“Ano ba nagluluksa ‘yung pamilya eh gagamitin mo,” himutok ng senador.

Naniniwala naman si Trillanes na kaya kinausap ni Pangulong Duterte ang mag-asawang Delos Santos ay upang maapula ang kritisismo sa kanyang administrasyon dulot ng pagpatay ng tatlong pulis Caloocan kay Kian.

“It’s a damage control pero too bad for them nahuli sila,” ani Trillanes.

Sa nasabing pagpupulong, nagbigay umano ng monetary assistance ang Pangulo lalo pa’t ayaw­ nang magtrabaho sa abroad ng ginang.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87334.0
No other time than now..

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

islander

  • SUPREME COURT
  • THE LEGEND
  • *****
  • Posts: 46867
  • If you're from Pluto, you're welcome.
    • View Profile
    • Book Your Travel Tickets
Republic Act 8485 (Animal Welfare Act of 1998, Philippines), as amended and strengthened by House  Bill 6893 of 2013--- violation means a maximum of P250,000 fine with a corresponding three-year jail term and a minimum of P30,000 fine and six months imprisonment

Book your travel tickets anywhere in the world, go to www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: