Service Contracting Program Phase 3 nagsimula na; Chairman Delgra nagsagawa ng inspeksyon
Nagsimula na ngayong araw, ika-11 ng Abril 2022, ang Service Contracting Program Phase 3 sa ilalim ng General Appropriations Act 2022, na pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) katuwang ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, sa EDSA Busway Carousel at iba't ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, pasado alas kwatro ng umaga ngayong araw, ay nagsagawa ng inspeksyon si LTFRB Chairman Martin Delgra III sa Monumento Station sa EDSA Carousel upang tiyakin ang maayos at mabilis na pagbiyahe ng mga mananakay.
Ayon sa huling tala ng ahensya, mayroong 568 kabuuang bilang na Public Utility Vehicle (PUV) units ang tumakbo ngayong araw sa ilalim ng nasabing programa.
Narito ang listahan ng mga bukas na ruta sa unang araw ng Service Contracting Program:
1. EDSA Busway Carousel
2. Dumaguete - Bayawan VV
3. Dumaguete - Jimalalud
4. Dumaguete - Mabinay VV
5. Cebu - Alcoy
6. Cebu - Balaman via Toledo
7. Cebu City - Pinamungajan via Toledo
8. Cebu - Moalboal
9. Tagbilaran City - Panglao Airport via Dauis Lourdes - Tawala - Danao - Panglao
10. Tagbilaran City - San Jose, Talibon via Tubigon
11. Tagbilaran City - Talibon via Balilihan - Carmen
12. Tagbilaran City - Mabini VV
13. SRP - IT Park
Inaasahan naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang Public Utility Vehicle (PUV) para sa Libreng Sakay sa buong bansa sa mga susunod na araw.
Habang ikinatuwa naman ng mga mananakay ang muling pagbabalik ng Libreng Sakay dahil malaking tulong at ginhawa raw ito para sa kanilang pagbiyahe patungo sa trabaho.
#LTFRB #DOTr
#ServiceContractingProgram
#KAISAKAY
#GAA2022
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122111.0