BAGONG TAHANAN PARA SA MGA BAKWIT ISINULONG NI GOB NC
(Septyembre 28, 2020) - Magkakaroon na ng permanenteng relocation site ang mga residente ng Malungon at bibilhin ito ng Provincial Government gamit ang donasyon ng Office of the President.
Ito ang naging sentro ng pulong na ipinatawag ni Governor Nancy Catamco( Gov. Catamco) kanina kasama ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, Local Government Unit-Makilala (LGU-Makilala), Mines Geosciences Bureau, National Housing Association, Provincial Accountant, Provincial Legal Office, at Provincial Planning and Development Office.
Nagbigay ng donasyon ang Office of the President na umaabot sa P10 million para sa mga biktima ng lindol. Sinabi ng Goberndor, ito ay gagamitin sa pagbili ng 3.6 hektaryang lupain sa Malabuan, Makilala para sa mga biktimang taga Malongon, Makilala.
Napag-usapan rin ang mga posibleng lugar kung saan pwedeng ilipat ang iba pang mga bakwit. Ang nais kasi ng mga panig ay magkaisa sila sa pagbili ng mga lupa para hindi mag doble-doble pa ang kanilang mga proyekto.
Napag-usapan na dapat ay malawakan ang pagtulong sa mga bakwit. Magkaroon ng ligtas na malilipatan, pabahay, patubig, elektrisidad at kalsada.
Nangako rin si Gov. Catamco na tutulong ang probinsya para sa land development ng ibang proyektong pabahay ng LGU-Makilala para sa mga bakwit.
(PGO Media Team)
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#KuyogTa
#Dumaki

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116034.0