Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Oil Price Increase - Press Release Philippines

normal_post - Oil Price Increase - Press Release Philippines Author Topic: Oil Price Increase  (Read 124 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Oil Price Increase - Press Release Philippines
  • Posts: 22734
  • medal1 - Oil Price Increase - Press Release Philippinesmedal2 - Oil Price Increase - Press Release Philippinesmedal3 - Oil Price Increase - Press Release Philippines
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Oil Price Increase - Press Release Philippines
Oil Price Increase
« on: May 26, 2018, 02:58:53 AM »
Press Release
KOMBINASYON NG MGA SOLUSYON SA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN, LANGIS

Pagtatayo ng fuel reserves, pagpapalakas at pagpanatag sa peso-dollar rate, supplemental budget, at pag-amyenda sa TRAIN law ang ilan sa mga panukala ng tatlong mambabatas sa Kamara para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at mga bilihin. 

Pag-iimbak ng mga produktong petrolyong binili sa mababang halaga ang pinakamabisang proteksyon ng bansa kontra sa pagtaas ng presyo ng crude oil sa pandaigdigang merkado, ani KABAYAN Party-list Rep. Ciriaco Calalang. 

“Maaring itayo ang mga depot o imbakan ng gasolina, diesel, kerosene, jet fuel, at LPG sa ilang strategic locations sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Maraming bilyong-pisong investment ang kailangan para diyan na kayang gawin ng foreign investors. Habang itinatayo iyan, makipagkasundo muna tayo sa South Korea at Japan dahil sila ay mayroon nang fuel reserves na maaring makibahagi tayo,” paliwanag ni Rep. Calalang. 

Sa ideya ni Calalang, ilalabas ng pambansang fuel reserves ang imbentaryo nito kapag malaki ang pagtaas ng mga presyo sa gasolinahan.

“Depensa rin ang fuel reserves na ito sa panahon ng matinding kalamidad tulad ng lindol at super typhoon na kayang maputol ang normal na supply ng produktong petrolyo. Tutugunan ng fuel reserves ang anuman matinding kakulangan sa domestic supply,” ani Atty. Calalang. 

Para naman kay Iligan City Rep. Frederick Siao, kailangan palakasin ng bansa ang halaga ng piso kontra dolyar dahil ang mataas na palitan ng piso at dollar ay isang dahilan ng pagmahal ng imported oil.

“Makahanap sana ng mga paraan ang mga economic managers, Bangko Sentral, mga bangko, at malalaking korporasyon na ibalik sa P49 o P50 to US$1.00 ang palitan, at panatilihin doon. Bukas naman ako sa ideya na dagdagan natin ang ayuda ng gobyerno sa mga pamilyang apektado masyado ng pagtaas ng mga bilihin,” ani Siao.

Dagdag na paraan para pabagalin ang inflation, ayon kay Siao na isa ring negosyante, ang pagkumbinsi sa mga Pilipino na mag-invest ng kanilang pera at bumuo ng savings para sa mga medical emergencies at retirement.

“We can also remove excess money from the market—thereby easing inflation pressures—by convincing Filipino families and businesses to invest and to save and to do that now. Let us give them more reason to invest in treasury bills, treasury bonds, private corporate bonds, real estate, condominiums, and other investment assets. Let us give them more reason to save their money in banks,” ani Rep. Siao.

Pabor naman si 1-PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero na palakasin ang safety nets ng gobyerno para sa mga mahihirap. “Maaari nating amyendahan ang TRAIN Law para dagdagan pa ang tulong ng gobyerno sa publiko,” aniya. 

Pati mga pamilyang ang kita ay P30,000 kada buwan pababa baka marapat na rin tulungan kahit hindi sila dukha dahil malakas rin ang tama ng inflation sa maraming middle class families, dagdag ni Rep. Siao.  (WAKAS)

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89611.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - Oil Price Increase - Press Release Philippines

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Booking.com

Latest Topics

Flora and fauna by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 03:28:48 PM]


FIFA 2018 WORLD CUP RUSSIA by islander
[Yesterday at 01:06:54 PM]


AMERICA ISOLATED by balong
[June 15, 2018, 05:11:32 AM]


Misis nakasuot og pinapuok nakig-inom sa lain gihapak og bato sa bana nakuyapan by islander
[June 13, 2018, 12:50:34 PM]


Supercute animals, part 2 by hubag bohol
[June 13, 2018, 06:50:05 AM]


To sleep--perchance to dream... by hubag bohol
[June 13, 2018, 06:44:36 AM]


Do you want to live in a tree house? by hubag bohol
[June 13, 2018, 06:41:26 AM]


Lasting friendships start early, Part 2 by hubag bohol
[June 13, 2018, 06:27:30 AM]


"Let me explain..." by hubag bohol
[June 13, 2018, 06:25:12 AM]


Bugsay's philosophy by hubag bohol
[June 13, 2018, 06:20:20 AM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2018, SimplePortal