Press Release
MATAAS NA LIDER NG NPA PATAY SA ENGKWENTRO NG MILITAR
PATAY ang isang mataas na kumander ng New People's Army o NPA saa isang engkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon 2:30 ng hapon sa Damulog,Bukidnon.
Kinilala ang kumander na si Eduardo Arnado alyas 'Choi', 58 anyos, residente ng sitio spring, Brgy. Salasang, Arakan, Cotabato, at Deputy Secretary ng Guerilla Front 53 at kasaluluyang nag ooperate sa mga lalawigan ng North Cotabato, Davao Del sur at Bukidnon.
Ayon kay Lt.Col Oscar Partuza, Commanding Officer ng 3rd Infantry Battalion, nakatanggap umano sila ng tip mula sa isang concerned citizen kung saan naroon si choi.
Agad namang ikinasa ang joint operation ng Scout Paltoon ng 19th Infantry Battalion , kasama ang Scout Platoon ng 3rd Infnatry Battalion at ng intelligence unit.
Nakita si kumander choi sa sitio Lamuroc, Brgy. Sampagar, Damulog, Bukidnonna na may kasamang halos umabot sa dalawampong mga armado.
Ayon sa report, ang naturang brgy. ang may itinatayong DAM na kung saan kinikikilan ng grupo ni Arnado.
Tumagal ng halos sampung minuto ang palitan ng putok sa dalawang panig.
Nakita sa pinangyarihan ang wala ng buhay na katawan ni kumander choi na may tama ng bala sa kanyang iba't-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan habang tumakbo naman sa hindi malamang direksyon ang mga kasamahan nito na umano ang iba ay sugatan.
Nakuha rin sa posisyon ni Arnado ang isang unit ng .45 caliber, mga bala ng high powered firearms, mga mahahalagang dokumento, at mga gamit ng rebeldeng grupo.
Si Alyas choi ay sangkot sa pangingikil sa mga politiko at mga negosyante simula 1985 hanggang ngayong taon.
Narito ang ilang sa mga politikong nakikilan ni Arnado kada buwan sa kanyang AOR:
Governor 1.2 million, Vice Governor 1 million, Congressman 1.2 million, Board Member 100 thousand, City Mayor 800 thousand, Vice City Mayor 400 thousand, City Kagawad 50 thousand, Municipality Mayor 500 thousand, Municipality Vice Mayor 200 thousand at Municipality Kagawad ay 25 thousand.
Ayon sa isa sa mga malapit sa kanya na kasalukuyang brgy. kagawad sa sto. niño
Sa ngayon nasa isang punerarya sa kibawe ang bangkay ni kumander choi.
Source: 19th Infantry Battalion
LIEZLE AÑON BANGA | RONDA NEWS
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92276.0