normal_post - New Info on BIR and Philhealth - Press Release Philippines Author Topic: New Info on BIR and Philhealth  (Read 306 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - New Info on BIR and Philhealth - Press Release Philippines
  • Posts: 25229
  • medal1 - New Info on BIR and Philhealth - Press Release Philippinesmedal2 - New Info on BIR and Philhealth - Press Release Philippinesmedal3 - New Info on BIR and Philhealth - Press Release Philippines
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - New Info on BIR and Philhealth - Press Release Philippines
New Info on BIR and Philhealth
« on: January 08, 2018, 06:40:57 PM »
MGA BAGONG IMPORMASYON MULA SA PHILHEALTH AT BIR NA DAPAT MALAMAN NG MGA EMPLEYADO

Mga kaltas sa sweldo ng mga ordinaryong mamamayan ang naging pinagtuunan ng pansin ng dalawang kongresista.

Ipinaalala sa publiko ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo na mayroon nang bagong rates ang PhilHealth contributions na ipinatutupad na simula nitong Enero 2018.

Ipinagbigay-alam naman ni Leyte Second District Congressman Henry Ong sa publiko na ang BIR ay nagpalabas na ng mga patakaran at pamantayan para sa pag-compute ng withholding tax at excise tax sa matatamis na inumin, pati na ang public consultations ng BIR ukol sa ginagawa nilang reglamento para sa TRAIN law.

PHILHEALTH

“Lumabas ang circular noon pang September 2017 pero naging epektibo ito nito lang Enero. Siya nga pala, ang PhilHealth budget para sa health care coverage ngayong 2018 ay P57 billion,” ani Salo, kasapi ng House Committee on Health.

Para sa PhilHealth members na ang monthly basic salary ay P10,000 pababa, ang monthly premium ay P275 na ang patas na pagkakahati sa equal employee’s and employer’s share ay P136.50.

Sa PhilHealth members na may monthly basic salary mula P10,000.01 hanggang P39,999.99, ang total monthly premium ay 2.75 percent ng sweldong iyon at ang share ng employee at employer ay tig-kalahati.

Iyon namang may basic monthly salary na P40,000 pataas. P1,100 ang total monthly premium kaya naman ang employee and employer shares ay tig-P550.

Ang mga Kasambahay o domestic workers na sueldo ay P5,000 per month pataas ay mayroong hatian din na employees at employer’s share, pero iyong kumikita ng mas mababa sa P5,000 ang employer ang magbabayad ng buong PhilHealth monthly premium.

BIR at mga buwis

Nakatakda sa January 11 and 12 ang public consultations ng BIR para sa implementing rules and regulations ng TRAIN na gaganapin sa BIR National Training Center auditorium sa Diliman, Quezon City.

Hinimok ni Ong ang BIR na magpalabas ng mga gabay at impormasyon sa nararapat na pagpataw ng buwis at epekto nito sa mga presyo ng mga bilihin.

"Such information would counter any disinformation and misinformation that prey on the fears of the public," aniya.

Pinaalalahanan ni Leyte 2nd District Representative Henry Ong ang mga individual income taxpayers: hindi saklaw ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ang 2017 income.

Magugunitang nagpaalala kamakailan si Ong na kailangan pa ring mag-file ng income tax returns para sa mga sinuweldo at kinita noong nagdaang 2017.

"Ang kinita at sinuweldo nating mga taxpayer nitong katatapos lang na taon ay bubuwisan alinsunod sa lumang batas kapag nag-file na tayo income tax returns o ITR bago ang deadline sa April 16, 2018. Kaya naman, kailangan pa rin natin ng withholding tax certificate para sa inyong 2017 ITR," ani Ong, kasapi ng House Committee on Economic Affairs.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88989.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

*SET UP YOUR OWN blog, business or personal website, or online store at www.wirenine.com




Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via tumblr Share via twitter

xx
Corruption at Philhealth?

Started by MIKELIGALIG.com on LGU Philippines

2 Replies
843 Views
Last post January 23, 2017, 12:19:38 PM
by islander
xx
PhilHealth will go bankrupt?

Started by MIKELIGALIG.com on Philippine Daily News

12 Replies
1469 Views
Last post August 23, 2009, 04:59:15 AM
by Bambi
 

Sign-up or Log-in Free

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal