Press Release: Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at masuri mismo ang sitwasyon sa paliparan, nagtungo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa NAIA kahapon, ika-01 ng Enero 2023.
Ito ay sa gitna ng hindi inaasahang naganap na technical glitch sa Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na nakaapekto sa mga biyahe papunta at paalis ng NAIA, at iba pang paliparan sa bansa.
Siniguro ni Secretary Bautista na lahat ng apektadong pasahero na nakansela o na-delay ang flights ay maayos ang kalagayan at maibibigay ang anumang tulong na kanilang kailangan.
Nakasama ni Secretary Bautista sa pag-iikot sa NAIA sina Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Hans Leo Cacdac, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, at ilang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at CAAP.
Maliban dito, pinuntahan din ni Secretary Bautista ang CAAP, upang makita ang AMTC kung saan nagkaroon ng technical issue.
Kasunod ng direktiba ni Secretary Bautista na agarang aksyunan ang nangyaring technical glitch, balik sa normal na operasyon na muli ang AMTC kahapon ng 5:50PM. × DOTR Philippines
* * *
Affordable Wordpress website host at
www.greengeeks.com Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123899.0