Press Release: Medical mission ng Ministry of Health BARRM para sa 63 barangay isinagawa kasabay sa pagdiriwang ng Ika-2 pagkakatatag nito
Central Mindanao ( January 19)- Pinangunahan ng Ministry of Health BARMM ang isinagawang malaking medical mission para sa pagdiriwang nh ika-2 pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslims Mindanao o BARMM sa M7nicioalnGym ng bayan nh Pikit Cotabato.
Layunin ng nasabing misyon ay para ipahatid ang serbisuong medikal sa mga bararangay sa bayan na napapabilang sa Bangsamoro Region.
Sa panayam ng Bandera News TV/ Radyo Bandera Midsayap kay Ministry of Health Secreatary /Dr Amelil Usman na dalabdapa nila ang serbisyong medikal tulad ng Medical Consultation, OB Consul tation para titukan ang mga buntis , Operation Tuli, Family Planning Consultation, at Blood Donation Advocacy . Kasama din dito ang pamamahagi ng Dental Kits, Adolescent Kits, Hygiene Kits at Buntis Kits .
Kasama ang mga volunteer doctor at nars maging iba pang mga health workers mula sa mga hanay ng Ministry of Health BARMM ang tilong tulong sa matagumpay na medical mission . Dagdag pa ni Usman na bago pa nagsimula ay kinunam pa muna ng antigen rapid test ang bawat indibidwal na dapat magpapagamot kung positibo ang mga ito sa COVID 19 . Ito ayon pa kay Usman ay ginagawa nila para ma protektahin rin ang mga fronliners tulad ng mga health workers.
Naging bahagi rin ang Armed Forces of the Philippines tulad ng Philippine Army na pinamunuan ng CMO Unit nh 6th ID PA, sa pangunguna ni Lt. Col. Dingdong Atilano.
Nasa misyon din ang Philippine Navy Western Mindanao Command Reserve Force na pinamunuan din ni Lt. Col Atty. Suharto Ambulodto para tumulong .
Pinasalamatan naman ni Minister Dr. Amilel Usman ang lahat na nakiisa at tumulong sa ikinatagumpay ng nasabing midical mission.
Dagdag pa ni Usman pagkatapos nh Pikit ay dadaku naman sila sa bayan din ng Midsayap para sa mga barangay na kabilang sa 63 barangay na umanib sa BARMM [BENNY E.QUEMAN ]
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120249.0