Press Release - TIYAK NA TIYAK NA ANG COMFORT AT CONVENIENCE SA PORT OF BABAKāNA PASISINAYAAN NA SA DARATING NA SABADO!
NOON, kulang na kulang sa pasilidad ang Port of Babak sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.
Dahil dito, nagtitiis at nagsisiksikan ang mga pasahero at ibang biyahero sa ilalim ng passenger shed, habang hinihintay ang biyahe ng mga bangka at barko patungo sa Davao City. Ang mga dumaong naman na pasahero ay walang sapat na masisilungan, habang hinihintay ang kanilang mga bagahe mula sa mga sasakyang pandagat.
Upang masolusyunan ito at mabigyan ang ating mga kababayan sa lugar ng mas maayos, kumportable, modernong puerto, at mas maayos na serbisyo, agarang kumilos sina Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, upang maisakatuparan ito.
NGAYON, BUBUKSAN NA SA PUBLIKO ANG MAS PINAGANDA, MAS PINALAWAK AT MAS MAAYOS NA PORT OF BABAK!
Ito ay matapos ma-KUMPLETO ang development project sa daungan, noong ika-24 ng Disyembre 2020.
NGAYON, KUMPLETO na sa mga kinakailangang pasilidad ang Port of Babak, kabilang dito ang pagkakaroon nito ng dedicated Port Operations Building (POB) na magsisilbing Passenger Terminal Bulding (PTB) na rin, na kayang ma-serbisyuhan ang mahigit 250 pasahero.
Hindi na mabibilad pa sa init ng araw ang mga pasahero sa paghihintay ng kanilang biyahe, at may sapat na pasilidad na rin para sa mga paparating na pasahero, turista at iba pang mga biyahero. Ibig sabihin, hassle-free na ang kanilang travel experience!
Maliban sa dalang comfort at convenience ng proyekto, nagbigay daan din ito upang magkaroon ng pamumuhay ang iba nating mga kababayan sa lugar. Sa katanuyan, nasa humigit 38 na trabahante ang nagtulung-tulong upang agarang matapos ang proyekto. Inaasahang ngayong tapos na ang proyekto sa purto, mas marami pang mabubuksang trabaho, lalo na sa sektor ng turismo at kalakal kasabay ng unti-unti nating pagbangon mula sa epekto ng COVID-19.
BABAK TO THE FUTURE!
ABANGAN ANG INAUGURATION NG PORT OF BABAK sa Sabado, ika-29 ng Mayo, 2021!
KITA KITS, FRIENDS!
#DOTrPH

#PPAworks #MaritimeSectorWorks #BUILDBUILDBUILD #ComfortableLifeForAll #DuterteLegacy #RechargePH
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121261.0