Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - HIV Data - Press Release Philippines

normal_post - HIV Data - Press Release Philippines Author Topic: HIV Data  (Read 284 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - HIV Data - Press Release Philippines
  • Posts: 22847
  • medal1 - HIV Data - Press Release Philippinesmedal2 - HIV Data - Press Release Philippinesmedal3 - HIV Data - Press Release Philippines
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - HIV Data - Press Release Philippines
HIV Data
« on: May 26, 2018, 02:51:39 AM »
Press Release: HIV-AIDS EPIDEMIC:

HIRAMAN NG INFECTED NEEDLES, UNDER-REPORTING, AT PAGLAGANAP SA DAVAO REGION 

Hiraman ng mga siringilyang kontaminado ng HIV sa Central Visayas, posibleng hindi tapat na paglalahad ng tunay na sakit ng ilang pasyente, ang dumaraming kaso ng HIV sa Davao at sa mga OFW ang nakikitang matitinding problema na nagdudulot ng paglala ng HIV-AIDS epidemic, ayon sa tatlong kongresista. 

“Batay sa kumpirmadong datos mismo DOH, ang paghihiraman ng pang-injection ay malaking problema lalo na sa Central Visayas. Ngayong taon mula Enero, 49 injecting drug users na ang nag-positibo sa HIV at mula naman Enero 2013, umabot na sa 1,580 tao ang positibo sa HIV dahil gumamit sila ng kontaminadong needles,” ani KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo, kasapi ng House Committee on Health. 

Napansin naman ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy na 454 katao ang nadiskubreng merong HIV pero nasa advanced stages na sila at mayroon nang sintomas ng AIDS. 

Natukoy ni Iligan City Rep. Frederick Siao na patuloy na dumarami ang mga OFW na nagpopositibo sa HIV at pangamba niya’y posibleng malampasan pa ngayong 2018 ang dami ng OFW na HIV-positive noong 2017. Pansin rin niya na dumarami ang HIV-positive sa Davao Region at nasa top 5 pa nga.

Advanced stages

Maaari pa sanang mas mapahaba ang buhay ng 454 na nasa advanced stages na ng HIV-AIDS kung maagang nalaman na sila ay infected.

“Huli na nang makumpirmang meron na silang AIDS. Matagal na silang infected at sa panahon na iyon malamang marami na silang nahawahan kung hindi sila sumusunod sa monogamy, celibacy, at iba pang HIV protection practices tulad ng safe sex methods,” ani Rep. Herrera-Dy. 

Ayon kay Rep. Herrera-Dy, na pinuno ng House Committee on Women and Gender Equality, posibleng nagpatingin na sila dati sa doktor o na-confine sa ospital, pero nagpagamot sila para sa mga sakit na dumapo sa kanila dahil nawala na nga ang kanilang immune system defense dahil lumalala na ang HIV-AIDS nila. 

“Maaring alam nila ang kanilang sakit o iba ngunit kaugnay na karamdaman ang kanilang inireport o inilahad sa doktor o ospital. Mayroon pa rin kasing stigma o matinding kahihiyan na nakakabit sa HIV-AIDS. Ngunit dahil dito, hindi natin tuloy nalalaman ang totoong dami ng mga mayroong HIV-AIDS at hindi sila nalalapatan ng tamang panglunas,” paliwanag ni Rep. Herrera-Dy.

OFWs na HIV-positive

“Last January 78. Last February 72. Last March 80. So for the first three months or first quarter of 2018, 230 OFWs have tested positive for HIV. If the monthly average of 76 for 2018 so far will persist, the country might have 912 OFWs testing positive for HIV and that will surpass the 811 cases recorded for the whole year of 2017,” ani Rep. Siao. 

Ibayong implementasyon ng anti-HIV-AIDS program at services ang udyok ni Siao sa DOH, lalo na sa Davao at iba pang bahagi ng Mindanao.

“This year, 139 tested positive from January to March. Since January 2013, 2,459 people were found to have HIV-AIDS in Region 11,” sabi ni Siao batay sa mga datos ukol sa Davao region.

Kooperasyon sa pagitan ng LGUs at national government ang dapat para hindi lumalala ang HIV-AIDS sa Davao at buong Mindanao, panawagan ni Rep. Siao.

Illegal Drugs + HIV sa Central Visayas 

Sa tingin ng kinatawan ng KABAYAN naging “kambal na panganib” ang illegal drugs at HIV-AIDS sa rehiyon, kaya naman matinding kooperasyon ng LGU rin ang nakikitang akmang tugon kontra HIV-AIDS sa Central Visayas. 

“Matagal nang laganap ang illegal drugs, pati na ang mga mamahaling droga na ginagamitan ng injections, sa Central Visayas. Pangulong Duterte, PDEA, at DOH na ang mga nagpatotoo riyan. Kaso mas lumalala ang problema dahil sa sharing of infected needles,” punto ni Rep. Salo.

Silver lining

Hindi lahat bad news sa mga datos ng DOH sa HIV-AIDS. 

Napansin ni Rep. Ron Salo, na napanatiling safe at secure ang blood supply ng bansa at ang mga health professionals dahil sinasabi mismo ng mga datos na zero ang HIV infection from blood supply at needlestick injury. 

“Ipinagpapasalamat natin ito dahil naiiwasan ang paglala ng epidemya. Patunay ang zero na iyan na mabisa ang seguridad na ipinapatupad para sa HIV screening ng blood supply at safety protocols para sa mga health workers,” ani Rep. Salo.  (WAKAS)

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89609.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - HIV Data - Press Release Philippines

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Booking.com

Latest Topics

Even If the Worst Thing Happens by MIKELIGALIG.com
[Today at 04:53:32 AM]


Form cheaply vigra no prescription by HozardRoorb
[Yesterday at 03:30:04 AM]


PNP Hiring by MIKELIGALIG.com
[October 14, 2018, 05:37:25 PM]


Wannabes and charlatans on the march by islander
[October 14, 2018, 01:01:51 PM]


Fashion vs No Choice by islander
[October 14, 2018, 06:03:26 AM]


Ang makapahinuklog nga kinabuhi sa usa ka bugtong anak nga lalaki by islander
[October 14, 2018, 05:57:25 AM]


Asa ang hustisya? by MIKELIGALIG.com
[October 13, 2018, 10:43:22 AM]


Please help me understand by islander
[October 12, 2018, 03:38:28 PM]


Avoid the 12 Dangers of Christmas by MIKELIGALIG.com
[October 09, 2018, 03:01:31 PM]


The day after Duterte by islander
[October 09, 2018, 01:18:08 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2018, SimplePortal