BASAHIN | Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nag positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Koronadal, isang barangay at ilan sa mga purok ang isinailalim sa lockdown sa loob ng isang linggo.
Agad tayong umaksyon at nagbigay ng paunang tulong kagaya ng pagbigay ng foodpacks sa mga apektadong pamilya at komunidad.
Sa isang press conference kaninang umaga ipinahayag ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. na kaagad bibigyan ng ayuda ang nasabing mga lugar dahil limitado ang galaw ng mga tao at hindi aniya makakalabas sa kanilang tahanan ang ilan sa kanila.
“Ang reason kun ngaa naghatag kita sang food packs, kung ang isa ka area indi sila ka hulag, wala sang economic activities, wala sila pangbakal pagkaon, wala man sila may mabaklan, so obligasyon sang government nga tagaan sila sang pagkaon.†Ang pahayag ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. sa isang press conference
Ipinapasiguro nito na sa loob ng pitong (7) araw ay mabibigyan ang mahigit kumulang pitong libong (7,000) pamilya na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain para sa kanila.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Brgy. Sto. Niño Chairman Norberto Bañaria ng lungsod ng koronadal dahil ito ang unang tulong na dumating sa kanilang barangay sa ikalawang araw ng lockdown.
“Ginapsalamatan ko man gani ang Provincial Government of South Cotabato sa pagpamuno ni Governor Tamayo, importante gid ni siya kay may mga tao nga adlawan ang ila ubra, although makagawas sila per may mga pamilya man ini sila.†Ang pahayag ni Brgy. Sto. Niño Chairman Bañaria.
Inaasahan na masusundan pa ang pagbibigay ng tulong bukas at sa susunod pang mga araw.
#SouthCotabatoAngatkasaLahat

*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116033.0