TUBAGBOHOL.com with Ligalig Mike Ortega

The Philippines => Press Release Philippines => Topic started by: MIKELIGALIG.com on November 28, 2017, 05:36:37 AM

Title: Faith-based Drug Rehab
Post by: MIKELIGALIG.com on November 28, 2017, 05:36:37 AM
THE HONORABLE RON P. SALO
KABAYAN Party-list
Assistant Majority Leader
Twitter: @Kabayan_Ron
"FAITH-BASED APPROACH" SA DRUG REHAB SUBUKAN NAMAN

Ipinanukala ng isang kongresista na subukan naman ang “faith-based approach” bilang alternatibong paraan ng pagsagip sa mga Pilipinong lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Sabi ni KABAYAN Party-list Congressman Ron Salo, subok at epektibo ang “faith-based approach” sa drug rehabilitation programs sa abroad kaya hindi umano masama kung susubukan naman ito ng ating pamahalaan.

Sa “faith-based approach” isasaalang-alang ang relihiyon ng pasyente (drug addict) sa pag-rehabilitate sa kanya. Ayon sa mga pag-aaral, bukod sa mga gamot, vitamins and supplements, at recreational activities gaya ng sports, malaki ang naitutulong ng ispiritwal na suporta sa pasyente para sa agaran nitong paggaling sa drug addiction.

Nakuha ni Salo ang ideya sa Faith Fellowship Ministries (FFM), isang American ‘megachurch’ na nakabase sa Sayreville, NJ, USA at sa Teen Challenge USA na may halos pitong dekada nang karanasan sa “faith-based approach.” Ayon sa website ng Teen Challenge USA (www.teenchallengeusa.com) 80% ng mga pasyenteng sumailalim sa “faith-based” approach ay gumaling mula sa drug addiction.

Nagtungo mismo si Salo sa USA kamakailan para makipag-ugnayan kina Rev. Ronald Constable at Pastor David Demola para magkaroon ng kaalaman hinggil sa kanilang mga programa. Sinabi ng kampo ng FFM na handa silang ituro at ibahagi sa gobyerno ng Pilipinas ang programa ng FFM at Teen Challenge USA hinggil sa “faith-centered recovery addiction approach.”

Ang FFM at Teen Challenge USA ay handang makipagtulungan sa Department of Health (DOH), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mga piling local government units, pati na sa chaplaincies ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para magbigay ng alternatibong solusyon sa pagsugpo sa ilegal na droga.

“Batid kong ang DDB ay may ugnayan na sa ilang “faith-based organizations” batay sa National Anti-Drug Plan of Action (https://goo.gl/t6gkrA ) habang ang mga LGU ay mayroon namang mga (https://goo.gl/pYaaLN ) anti-drug abuse councils. Dahil mataas ang tiwala ni Pangulong Duterte sa DDB at sa mga ahensiyang sumusugpo sa ilegal na droga, mataas ang tiyansa ng ‘faith-based approach’ na magtagumpay,” wika ni Salo. (END)

REFERENCES:
https://www.ddb.gov.ph/sidebar/301-community-based-treatment-and-rehabilitation-resources 

https://www.teenchallengeusa.com/wp-content/uploads/2017/02/About-Teen-Challenge.pdf

https://ph.usembassy.gov/us-afp-chaplains-work-together-help-risk-communities/ 

https://www.facebook.com/DDBgov/ 

http://www.philstar.com/headlines/2017/02/14/1672074/few-takers-drug-rehab-says-doh

http://cnnphilippines.com/news/2016/07/26/drug-rehab-program.html   

http://globalnation.inquirer.net/154305/doh-jica-sign-p826m-program-for-drug-users-rehabilitation

::Thanks for sharing this link::
Stay protected from viruses and hackers. Download Avast at https://goo.gl/S5Bzjd

Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal