Author Topic: PUVMP Implementation  (Read 381 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33345
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
PUVMP Implementation
« on: March 20, 2021, 08:38:23 PM »
LTFRB PRESS RELEASE
17 March 2021

Nililinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nagkulang ang ahensya sa pagkonsulta sa mga Public Utility Vehicle (PUV) transport service cooperatives, operators at drivers kaugnay ng implementation ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), lalo na ang importansya ng konsolidasyon sa ilalim ng programa

Noong 2018, kung kailan inilunsad ang PUVMP, nagkaroon ng mga inisyatibo ng LTFRB para mapalaganap ang impormasyon ng PUVMP sa mga driver at operator, at kabilang rito ang PUVMP Roadshow Caravan na isinagawa sa iba't ibang bahagi ng bansa simula noong Hulyo 2019 hanggang Marso 2020

Maaalala na nagkaroon ng public consultation ang LTFRB, kasama ang Office of Transportation Cooperatives (OTC), at ng ilang PUV drivers noong ika-11 ng Marso 2020, ilang araw bago magpatupad ng Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nagkaroon din ng diyalogo ang LTFRB, sa pangunguna ni LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, at ilang Public Utility Bus (PUB) operators at drivers kaugnay naman ng fleet consolidation noong ika-23 ng Enero 2020.

Bukod pa 'yan sa mga isinagawang konsultasyon ng ahensya sa mga PUV operators at drivers kaugnay ng PUVMP at ng consolidation na requirement ng programa sa mga nakaraang taon. Kung tutuusin, nagresulta ang mga konsultasyon sa konsolidasyon ng ilang kooperatiba at kalauna'y nakapaglunsad ng modern units hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa ilang probinsya sa bansa.

Simula noong 2018, naging bukas ang pinto ng LTFRB sa mga nais sumali sa naturang programa at walang sawa ang ahensya sa pakikipag-usap sa mga PUV drivers at operators tungkol sa mga benepisyo ng PUVMP.

Ang PUVMP ay isang programa ng administrasyong Duterte na naglalayong makapagbigay nang maayos, moderno, komportable at ligtas na pampublikong transportasyon sa bansa. Layon ng programa ang mapabuti ang sistema ng mga pampublikong sasakyan hindi lang para sa mga mananakay, kundi pati sa mga drayber at operator upang magkaroon sila ng sapat at marangal na kabuhayan.

#PUVMP
#LTFRB


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.bluehost.com - FREE website transfer..

Latest Tubag Bohol Topics



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120779.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: