normal_post - Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 - Press Release Philippines Author Topic: Ease of Doing Business Act o House Bill 6579  (Read 1293 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 - Press Release Philippines
  • Posts: 25225
  • medal1 - Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 - Press Release Philippinesmedal2 - Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 - Press Release Philippinesmedal3 - Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 - Press Release Philippines
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 - Press Release Philippines
Ease of Doing Business Act o House Bill 6579
« on: December 04, 2017, 11:05:37 AM »
THE HONORABLE FREDERICK W. SIAO
Lone District of Iligan City
Vice Chair, Committee on Tourism

Member, Appropriations, Economic Affairs, and 8 other committees
Facebook: /congressmansiao Twitter: @freddiesiao
ILIGAN CITY REP. SIAO PABOR SA SPECIAL SESSION AT GAWING URGENT BILLS ANG HB 6579, SB 1311

Bilang reaksyon sa usap-usapan at balita na baka magkaroon ng special session ang Kongreso sa mga darating na buwan para sa ilang panukalang batas, iminungkahi ni Iligan City Lone District Representative Frederick Siao na isama sa special session ang malapit nang maging batas na Ease of Doing Business Act o House Bill 6579 at ang bersyon nito sa Senado na Expanded Anti-Red Tape Act o Senate Bill 1311.

Ayon kay Siao, mas mabuti kung mas maagang maisasabatas ang HB 6579 at SB 1311 para umusad na agad ang mga susunod na hakbang sa pagpapatupad nito.

Kailangan pa kasing maglabas ng implementing rules and regulations at ilatag ang mga information technology systems na gagamitin.

"Malaking ginhawa sa mga nais magtayo ng negosyo, maliit man o malaki, kapag mapabilis ang pagproceso ng mga permit at clearance sa mga city hall, munisipyo, at kapitolyo," ayon kay Siao.

Karamihan naman sa mga probisyon ng HB 6579 at SB 1311 ay magkakatulad at iilan lang ang mga probisyon na magkaiba.

"Mayo 2018 kasi matatapos ang kasalukuyan second regular session ng 17th Congress. Disyembre na tayo ngayon at magkakaroon pa ng holiday break ang Congress, kaya malamang niyan ay sa Enero o Pebrero ng 2018 pa maaksyunan ang HB 6579 at SB 1311 kung walang 'certification as urgent' ang bills ngayong Disyembre," paliwanag ni Siao.

Naghihinayang si Siao sa mga linggo o buwan na hindi agad uusad ng dalawang bill dahil madedelay din ang paggawa ng implementing rules at IT systems kapag wala pang bagong batas.

Dahil kaunti lang ang magkakaibang probisyon ng HB 6579 at SB 1311, inaasahan ni Siao na magiging mabilis ang trabaho ng bicameral conference committee.

Sa SB 1311, isang Business Anti-Red Tape and Competitiveness Bureau ang itatatag. Sa HB 6579, Ease of Doing Business Commission ang itatayo.

"Sana kung ang kakatigan ng bicam ay yung bureau, siguruhin nila na line bureau ang mangyayari dahil mas may kapangyarihan iyon kaysa staff bureau lamang," ayon kay Siao.

Batay sa Administrative Code of 1987, mas malakas ang line bureau kasi ito ay tagapagpatupad ng batas at mga kautusan, habang ang staff bureau ay support lamang sa department secretary.

Ang line bureau pati ay nakapaloob sa department o kagawaran, hindi nasa labas tulad ng isang commission, na itinuturing na attached agency ayon sa Administrative Code.

Makakaabala sa takbo ng isang komisyon ang paglilipat nito sa ibat-ibang department gaya nang naranasan na ng ibang mga ahensiya.

"The decision is now with the bicameral conference committee on which approach to adopt. The commission approach in HB 6579 provides for regional offices, but not field offices in cities and towns," pahabol ni Siao. (WAKAS)

::Thanks for sharing this link::
Stay protected from viruses and hackers. Download Avast at https://goo.gl/S5Bzjd



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88577.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

*SET UP YOUR OWN blog, business or personal website, or online store at www.wirenine.com




Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via tumblr Share via twitter

 

Sign-up or Log-in Free

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal