JUST IN: LIBRENG SAKAY SA MRT-3, EXTENDED HANGGANG MAY 30!
Magpapatuloy ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang ika-30 ng Mayo 2022 sa kabuuan ng operating hours mula 4:40AM hanggang 10:10PM.
Matatandaang nagsimula ang programa noong ika-28 ng Marso at nakatakda sanang matapos ngayong ika-30 ng Abril 2022.
Layon namin na patuloy na makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayang patuloy na naaapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin at krudo. Ito rin ay upang mas marami pa ang makinabang sa mas pinaayos at pinagandang serbisyo ng newly-rehabilitated MRT-3 line.
Sa kabuuan, umabot na sa 7,227,434 pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa MRT-3 mula nang ilunsad ang programa.
#DOTrPH

#MRT3 #LibrengSakay
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122157.0