𝐀𝐈𝐂𝐒 𝐏𝐀𝐘𝐎𝐔𝐓 𝐒𝐀 𝟐𝟑𝟕 𝐍𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐄𝐒𝐈𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍
Tungo sa patuloy na pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan at pangsosyal na pangangalaga sa mga mamamayan ng lalawigan, ngayong araw sa pangunguna ng tanggapan ng PSWDO na pinamumunuan ni Ms. Rosalina Lamoca, RSW-PGDH, matagumpay na naipamahagi ang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) payout sa kabuuang halaga ng Php 773,000.00 sa 237 benepesiyaryo. Ang seremonya ng pamamahagi ng ayuda ay ginanap ngayong araw, ika-8 ng Enero 2025, sa PGO Sablayan Sub Office.
Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe sina Bokal Ryan Gadiano Sioson at PGO Sablayan OIC/Executive Assistant Luzviminda C. Alto. Ipinahayag ni Bokal Ryan Sioson ang patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan.
Ang mga pondo na naipamahagi ay magsisilbing tulong upang mapagaan ang pinansyal na pasanin ng mga benepesiyaryo at magbigay ng agarang solusyon sa kanilang mga kasalukuyang problema. Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Eduardo B. Gadiano, patuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro na magbigay ng ganado at mabilis na serbisyo sa lahat ng mamamayan.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiMinPIO
#SerbisyongGanado
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=126093.0