SA MRT-3 NGAYON, MAS MABILIS AT KUMPORTABLE NA ANG BIYAHE!
Press Release: Sa isang Facebook post ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade, kaniyang magalak na ibinalita ang pagbabago sa MRT-3 ngayon, tulad ng mas pinabilis at pinaayos na takbo nito, na tiyak na makapagbibigay ng commuting-like-no-other na experience sa rail line.
“ANG MRT-3 NGAYON Alam n’yo ba na noong September 2013 pa huling tumakbo ang MRT-3 sa bilis na 60kph?
“Ilang taong napabayaan ang estado ng mga riles at bagon nito, kaya naman usad pagong ang takbo ng mga tren, at araw-araw ay umaabot sa tatlo hanggang lima (o higit pa) ang unloading incidents na naitatala dito.
“Ngayon, sa tulong ng MRT-3 Japanese Maintenance and Rehabilitation Provider, Sumitomo-MHI-TESP, mula sa bansang Hapon, unti-unting naisaayos at napabilis na ang biyahe ng MRT-3.
“Kung dati ay nasa 25-30 kilometers per hour lamang ang takbo ng mga tren, naiakyat na ito sa 60 kilometers per hour na operating speed simula noong Disyembre 2020.
“Ang improved operating speed ng MRT-3 ay bunga ng maayos na rehabilitasyon at maintenance ng buong linya, kasama na ang massive rail replacement, na natapos noong September 2020, at ang masinsinang pag-overhaul ng mga bagon.
“Dahil sa improved speed, naging 3.5 hanggang 4 na minuto na lamang ang interval sa pagdating ng mga tren mula sa dating 8 hanggang 9.5 minuto.
“Kung dati, inaabot ng 1 oras at 15 minuto ang biyahe mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station, ngayon ay nasa 50 minuto na lamang ito.
“Malaking tulong ito upang hindi mahuli ang mga pasahero sa kani-kanilang trabaho. Mabibigyan din ng ating mga kababayan ng mas mahabang panahon ang kani-kanilang pamilya at iba pang importanteng gawain o trabaho,” ani Sec. Tugade.
#DOTrPH

#DOTrMRT3 #SulongMRT3 #BUILDBUILDBUILD #ComfortableLifeForAll #RailwaysSectorWorks #MRT3Rehabilitation #ArtTugade
https://www.facebook.com/106472688264785/posts/121860280059359/?d=n
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121335.0