KAUNA-UNAHANG BATCH NG PRI TRAIN SIMULATORS, NASA PINAS NA!
Dumating na sa bansa mula Japan ang kauna-unahang batch ng shipment ng train simulators para sa Philippine Railways Institute (PRI) kahapon, ika-16 ng Mayo 2022.
Makakatulong ang mga train simulators na ito na hasain ang mga nagnanais na maging train driver na makapagbigay ng kalidad, kumportable, at ligtas na serbisyo.
Ang mga train simulators, na kasalukuyang nasa MMSP Depot sa Valenzuela City, ay kabilang sa grant agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Japan.
Ang PRI ay ang kauna-unahang Railways Training Institute sa Pilipinas na magsisilbing planning, implementing, at regulatory agency para sa human resources development sa ating railways sector, at ito ang susi para sa mas sustainable, efficient, at dependable na mass transportation system ng bansa.
Matatandaang itinatag ang PRI sa bisa ng Executive Order No. 96 series of 2019 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-29 ng Nobyembre, 2019, at nasa ilalim ng administrative supervision ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade.
#DOTrPH

#PRI #BuildBuildBuild #TrainSimulators #Japan #RailSectorWorks
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122240.0