From the page of Tacloban Mayor Afred Romualdez
Pinuntahan natin kanina ang ginawang "Inauguration, Blessings and Turn-over Ceremony" ng bagong gawang building ng Tacloban City Police Office.
Bilang kapartner natin sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng ating komunidad dito sa Tacloban, masaya akong makita ang magagandang nangyayari sa TCPO, kagaya na lang nitong pagkakaroon ng bagong gawang headquarters na sigurado akong napakalaking tulong sa pagpapanatiling maayos ang kanilang serbisyo sa mga mamamayan.
Nagpapasalamat tayo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng City Government of Tacloban, DPWH R8, TCPO, PRO 8, at sina Cong. Martin Romualdez, at Congresswoman Yedda Marie Romualdez ay naging matagumpay ang proyektong ito.
Kasama natin kanina sa programa sina Deputy Director for Administration Police Brigadier General Joel Limson, NAPOLCOM Regional Director Atty Maximo Lasaca, DPWH Regional Director Allan S Boromeo, DILG City Director Johannes Dorado, TCPO Director Police Colonel Darwin Miranda, Hiraya Foundation President Raymund Romualdez, at si Kap. Abet Eviota na kumatawan sa TINGOG Partylist.
I

Tacloban
#AlfredRomualdez
#RaymundRomualdez
#padayonuswagtacloban
#TCPO
news.mikeligalig.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121769.0