UMAASA si Muntinlupa City Lone District Representative Rodolfo Biazon na hindi mauuwi sa mass leave at judicial revolt ng mga mambabatas ang panghihimasok at pagpigil ng Korte Suprema sa pag-usad ng impeachment proceedings sa kamara de representantes laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Ayon sa mambabatas, ang pagtalakay ng impeachment laban kay Gutierrez ay alinsunod sa tinatawag na constitutional mandate ng kongreso na hindi maaring hadlangan ng kataas-taasang hukuman.
Dagdag pa ng kongresista na maikokonsidera na pinag-isa ang dalawang impeachment complaint laban kay Gutierrez dahil sabay itong ipinasa sa House Committee on Justice nang talakayin ito sa plenaryo.
Nagbabala naman si Deputy Speaker Rep. Lorenzo Tañada III na kung magtutuloy-tuloy ang panghihimasok ng Korte Suprema sa trabaho ng kamara, maaari itong maging dahilan ng “constitutional crisis".
Ngunit matatandaang kahapon ay nagpahayag si House Speaker Feliciano Belmonte na susundin nila ang utos ng Korte Suprema na ipagpaliban ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Gutierrez bilang respeto sa “co-equal branch" ng pamahalaan. - rmn
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=32077.0