Author Topic: Martin Andanar Over DZRH  (Read 812 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33317
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Martin Andanar Over DZRH
« on: September 19, 2016, 05:32:22 PM »
Q:                                           
Magandang umaga po, Sec.
 
SEC. ANDANAR:
Good morning, Angelo, Henry.
 
HENRY URI:
Secretary, paunawa lang natin sa ating mga kababayan iyong mga developments ngayon sa ating bansa at iyong mga statement ho ng ating Presidente. Talagang napakarami ho ng interpretasyon. Kayo sa PCO, paano ninyo gustong maintindihan ng taumbayan ang kasalukuyang administrasyon at ang ating Pangulo?
 
SEC. ANDANAR:
Well, ganito lang naman iyon eh. Kapag nagsalita po iyong Presidente ay—halimbawa, kagabi, sabi niya… sabi ng Pangulo ay humihingi siya ng extra six more months. Well, kapag mga ganoon let’s called a spade a spade. Six months ang hiningi niya, at sabi ng Pangulo, ini-explain niya na talagang hindi niya in-expect na ganito kadami ang mga addicted sa droga. So humingi siya nang dagdag na anim na buwan. Madali lang intindihin iyon.
 
Nagkaka-problema lang tayo minsan kapag  iyong mga announcement ay, you know, like for example, madaling araw tapos mayroong mga medyo, ang tawag diyan “preponderous” na mga statement na kailangan pang i-analyze. Kaya nga kinaklaro natin sa Communications Office na lahat po ng clarification ay galing sa amin; iyan ang official line. Kapag hindi po galing sa amin, hindi po opisyal iyan. Pero hindi nangangahulugan na walang karapatan iyong mga Gabinete na magsalita. Pero iyon po ang understanding namin sa loob, na kami iyong unang mag-i-interpret, at kapag hindi namin kayang i-interpret, tatawagan namin iyong Cabinet official na mag-i-interpret mismo nung sinabi ng Pangulo.
 
Q:                           
Ayun, so kayo muna ang unang hihingian ng reaksiyon, kayo kasi dahil nga sa kinakailangan po ay mabilisan minsan na ... alam naman natin sa balita, iyong principle ng immediacy ano ho. Kailangan mabilisan parati. So kayo muna ang una naming tatanunngin. Kung hindi ninyo masagot, kayo na rin ang magku-course through nito sa Cabinet officials?
 
SEC. ANDANAR:
Oo, korek. Ganoon, ganoon lang ka-simple iyan. Now anything na hindi dumaan sa amin ay mayroon kaming disclaimer na, “Teka muna, hindi naman kayo dumaan sa amin at para tanungin kung ano iyong ... o klaruhin iyong statement na iyon.” But ngayon naman, Henry, sapagka’t mayroon nga tayong mga experience na ganiyan at iba-ibang interpretasyon, at nilinaw na natin ito sa Malacañang Press Corps na siyang nako-cover sa sa Pangulo na ganito iyong sistema natin.
 
Q:
Like for example, doon sa isyu na “Oust Digong.” Kasi sa isang press conference doon ko narinig iyon na sinasabi ni ano na mukhang itong mga “dilaw” ang nagpapakana. Is this just a loose talk? There’s no serious concern, there’s no serious activity or effort to oust the President?
 
SEC. ANDANAR:
Mayroon kaming mga naririnig-rinig na mga kuwento, parang ano—halimbawa, mayroon isang Cabinet na official na sinabi sa akin, at mayroon ding nagsabi sa akin ‘no; ang media rin, nagsasabi na mayroong mga destabilization. Pero at the end of the day, Angelo, it’s really about the evidence that you have, ‘di ba. Kung mayroon talaga, you let me know kung mayroon talaga, kasi it is the concern for the government, and it should be a concern for the nation because it’s a destabilization talk. Hindi naman tama iyan, ‘di ba? Because we are in a democracy at iniluklok natin ang ating Pangulo sa pamamagitan ng isang eleksyon.
 
Q:           
Ako na ang nagsasabi, with the popularity of the President, hanggang ngayon ang kaniyang approval rating ay nasa ... tumaas pa yata eh – from 91, nadagdagan pa, Secretary. And with the support sa military—for the first time, nakikita natin na ang isang sugatang sundalo ay niyayakap ang Pangulo eh. I don’t think an “Oust Digong Movement” will work.
 
SEC. ANDANAR:
Iyong nga po eh, Angelo. Ang masaklap pa dito, I was just talking to somebody sa New York ngayon who is also a member of the Cabinet – hindi ko na lang babanggitin iyong pangalan. Iyon din ang mga naririnig niya sa New York, na mayroong mga Filipino-Americans na nagpaplano. They are hatching a plan na to oust the President by January 2017 pa, may mga ganitong klaseng report. Kaya nga sinabi ko nga doon sa ... “Sir, mayroon ba tayong direktang ebidensya o narinig ba nila iyong mga tao na iyon?” Maraming kuwento eh, maraming ispekulasyon eh. But at the same, the surveys will show otherwise. Because ang mga Pilipino naman dito sa Pilipinas ay, like what you said, more than 90% supports our President.
 
But then again, if you have all of this news going around internationally, it does not help. Kasi alam naman natin na mainit ang mga banta doon sa banta sa Amerika – in the western world ‘no, mainit sa ating bansa ngayon. At medyo agrabyado tayo pagdating sa media exposure.
 
Q:
Pero ano ang inyong naiisip na hakbang para magkaroon tayo ng... kung hindi man equal o kung hindi man ho maging liyamado tayo sa media exposure eh maging equal naman kagaya po nang binabanggit ninyo na hindi nga ho tayo nakakakuha ng equal exposure, ano ho. Ano ho ang mga pinaplano?
 
SEC. ANDANAR:
We begin at the home front, Henry. Dito sa bansa natin we consolidate our friends in the media. Well not only consolidate but we streamline our communications process para hindi tayo magkaproblema sa media dito sa bansa natin. And then we spread out, and then we start with our OFWs, iyong ating mga social media supporters ‘no. We go to our neighboring countries and talk to the media there, and until such time that our message can reach the shores of the western world.
 
Q:
Pero ito naman lumaki lang naman ito dahil doon sa mga kantiyaw ng Pangulo kay—actually, hindi naman kantiyaw kung hindi mga pahaging as to panghihimasok ng Amerika sa human rights issue?
 
SEC. ANDANAR:
Oo, but then again as you said… tama ka Angelo. They spot on, iyon talaga. But then again, we are also ano—we have settle the issue and the media a few times already. You know, we are covering all the media fronts, lahat ng gustong kumausap sa atin, kinakausap natin. You know, talagang tuluy-tuloy na trabaho. Walang tigil ito, Angelo, on our part in the government plus iyong mga partners for change natin at tuloy-tuloy ganoon lang. We just have to make sure that no stone is unturned, is not unturned ‘no, iyon yun eh. Kasi pag-sumerender tayo eh, ano ang mangyayari, hindi ba. So will just have to continue what we are doing and institutions like DZRH is definitely a very big help for the image of the President and image of the country.
 
Q:
Secretary, kadalasang naririnig natin kapag papasok pa lang ang bagong administrasyon, ang sinasabi eh may honeymoon period pa naman iyan, three to six months. Kayo—at hindi po exempted ang PCO riyan sa honeymoon period na iyan ano ho? Kayo ho ba sa tingin po ninyo ay nasa honeymoon period pa o kinakailangan po ay bigyan pa rin kayo ng extensions. Ano ang inyong take diyan?
 
SEC. ANDANAR:
Basta ang iniisip ko na lang, Henry, magtrabaho na lang tayo, tapos ganoon lang. Mahirap iyong kasi mag-isip pa ng honeymoon period, you expect something tapos iyon pala masasaktan ka lang dahil hindi ka naman binigyan ng honeymoon period. The most important thing here, Henry and Angelo, is from our hearts of heart we know that we are in a working hard for the good of our country ‘no. Wala iyong mga che-che-bureche na nagbobolahan lang tayo dito. Hindi. Talagang trabaho lang talaga tayo ng malinis. At iyon naman sa amin, sa PCO ganundin, meron tayong mga pagkakataon na nagkakamali tayo, eh tao lang tayo nagkakamali, ang sa atin lang naman ay at least ay hindi ako nagkamali sa mga bagay na pagdating sa pera, hindi ba? Maliliit na bagay, puwede namang—hindi, I am not saying maliit na bagay iyong mga nangyari sa amin. Pero I think these are concerns na forgivable naman at something that we can learn from at alam ko rin na—ako as far as my leadership is concerned, we accept criticisms constructively and we move forward. And we work not only twice as hard, thrice at hard, but five times more than our current situation right now. Iyon lang naman sa akin, basta ang importante that malinis ang konsensiya natin, nagtatrabaho tayo ng nagtatrabaho more than what we expected and making sure that no stone is not unturned.
 
Q:
Sec, naintriga lang po ba, mentras ga-istorya nga may ga-wangwang---ambulansiya?
 
SEC. ANDANAR:
Oo, ambulansiya dire sa—
 
Q:
Baka kasi marinig, kita ninyo si Secretary Andanar gumagamit ng wang-wang, hindi po. Obviously biglang may lumitaw na ano eh.
 
SEC. ANDANAR:
Napakatalas naman ng tenga mo.
 
Q:
Siyempre naman ang daming nakikinig ngayong mga journalist, baka mamaya biglang nasa column na naman iyan, oh kita ninyo si Secretary Andanar gumagamit ng wang-wang.
 
SEC. ANDANAR:
Ang magpapatunay niyan iyong mga guwardiya ng Manila Broadcasting Company dahil nasa tapat kami.
 
Q:
Pero Secretary, iyong binabanggit ninyo na at least hindi kayo nasisira sa pera. What do you mean by that?
 
SEC. ANDANAR:
Ano?
 
Q:
Iyong binanggit ninyo na at least kayo kung nagkakamali man, hindi kayo sa pera nasisira. What do you mean by that?
 
SEC. ANDANAR:
Hindi. Ang ibig ko hong sabihin kasi, usually sa government, iyong nangyayari sa gobyerno kasi natin, kapag merong mga isyu na-tsitsismis iyong tao, iyong pinakamalaki talaga corruption, hindi ba. So, iyong kumbaga iyong mga lapses naman naming sa PCO, eh wala namang kinalaman sa pera. Kumbaga ito ay mga lapses that can be definitely cured anytime and iyon ang nakikita natin na, kumbaga, these are forgivable lapses. So iyon ang sinasabi ko. Parang kino-compare ko lang na ang pinakakasalanan ng isang public servant ay iyong pera.
 
Q:
Sec, teka lang. Liwanagin ko lang, kasi baka mamaya mag-misquote na naman kayo.
 
Q:
Ito na pala, hindi nakilala, akala artista eh. Kaya sigurado ho tayo iyon kaninang wang-wang na iyon ambulasiya, dahil nandito sa tabi natin si Secretary Andanar.
 
Q:
Kanina pa pala kayo diyan sa labas eh.
 
SEC. ANDANAR:
Hindi kararating ko lang, dalawang ambulansiya iyong dumaan eh. Sabi ko daanan pala ito ng ambulansiya.
 
Q:
Anyway, liwanagin lang natin kasi baka ma-misquote na naman, sabihin na… there are talks about ano it, Oust Digong has reached the international community. Liwanagin ho natin, may nagtanong lang ho sa inyo noon, may nag-report o may nagtanong?
 
SEC. ANDANAR:
Hindi. May kausap po ako kani-kanina lang na kasama ho natin sa Gabinete at kinukuwento nga niya na… meron siyang mga nagre-report sa kanya, kuwento sa New York. May nagrereport din hindi ko na lang babanggitin, may nagre-report sa kanya na merong mga Filipino-Americans na kasama niya doon sa isang pagtitipon at ang kuwento sa kanya ay na-overhear sa isang teleconference na pinag-uusapan na Oust Digong hanggang January 2017 na lang. Sabi ko naman sa kasama ko, “pare, siguraduhin mo iyan,” dahil sabi ko hindi biro iyong ganyang balibalita ‘no. Pero—but then again, we have to be very careful. Iyon ang mga kuwento.
 
Q:
Katabi ko na rin lamang is Secretary, ipapalinaw ko na rin sa kanya itong isang editorial.
 
Q:
Sumesenyas na si Dr. Joe Taruc. Sabi ni Dr. Joe Taruc, “baka gusto n’yo namang iwanan ako ng tanong.” 
 
Q:
Kasi lumabas dito sa isang editorial nitong isang pahayagan na ang Pangulong Rodrigo Duterte ay may binanggit na, ito isa itong verbatim. In an unguarded moment recently, President Duterte himself blurted out on national television that 50 million had already been paid, ito ay… this was amid raw rumors at the time that the Abu Sayyaf had beheaded another captive. Norwegian Kjartan Sekkingstad was kidnapped from a resort he was managing on Samal. Ito nire-relate ito doon sa kidnap for ransom, doon sa ransom money na umanoy’ ibinayad para mapalaya itong mga captive ng Abu Sayyaf na ito.
 
Q:
Unang-una tanong siguro, may binanggit nga ba ang Pangulong Rodrigo Duterte na may 50 million na had already been paid?
 
SEC. ANDANAR:
Hindi ganito na lamang ang sagot natin diyan. Kausap ko kahapon is Secretary Jess Dureza. Sabi ko, “Boss, merong mga isyung ganito na lumalabas. Ano bang linyada?” Well, sabi ni Secretary Jess Dureza, “we maintain a no ransom policy sa gobyerno. Ngayon kung meron mang third party o kung iyong pamilya ng biktima ay nagbigay ng ransom, wala na tayong alam diyan. Basta tayo sa gobyerno no ransom policy tayo.  And we maintain that and we will leave from that policy.”
 
Q:
The possibility is there, pero hindi galing sa gobyerno?
 
SEC. ANDANAR:
Iyon ang—kung meron mang mga third party na nagbibigay ng kanilang—
 
Q:
Hindi mo naman mapipigilan din iyon.
 
SEC. ANDANAR:
Basta ang gobyerno natin eh we maintain a no ransom policy.
 
Q:
Sec., maraming salamat ha. I-reserve na daw naming iyong ibang tanong kay Dr. Joe, eh di sige.
 
Q:
Secretary Martin, thank you for joining us on the phone and live dito sa studio.
 
SEC. ANDANAR:
Gusto ko lang patunayan na iyong kasama ko kanina ambulansiya.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=82780.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: