Press Release
𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐭𝐨𝐫𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐛𝐚𝐧𝐜𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐢𝐬𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐅𝐀𝐑
Sa tulong ng ating lokal na pamahalaan at City Agriculturists Office, namahagi ng mga motorized at non-motorized bancas at iba pang mga fishing gears sa mga fisherfolks ng lungsod sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR XII) bilang parte sa response and recovery program ngayong COVID-19.
Namigay ng anim (6) na motorized bancas sa mga fisherfolks at limang (5) non-motorized bancas. Kabilang sa mga nabigyan ng non-motorized bancas ang Bula Bangkero Bantay Dagat Association, Bangus Fish Cage Bawing, Bula Seaweeds Farmers Association at East Coast Tour Guiding Association.
Nabigyan din ng mga fishing gears (life vests, multiple hook & lines, hook & lines, at squid jiggers) ang Tinago 9-A Fisherfolks Association, Dadiangas South Bantay Dagat, Labangal Headliners, at Bawing.
Ayon pa kay Supervising Aqua Culturist, Jonathan Balili, ito ay magsisilbing tulong sa ating mga fisherfolks na patuloy na nagtatrabaho sa kabila man ng pandemya. Aniya, ang lokal na pamahalaan at ang BFAR XII ay patuloy na naghahanap ng paraan para makapagpatupad ng mga kaukulang tulong at serbisyo upang malampasan ang krisis dulot ng COVID-19.
Nagpapasalamat din ang lokal na pamahalaan sa mga mangigisda na may mahalagang papel na ginagampanan para sa food production sa lungsod lalo na sa panahon ng pandemya.(CPIO/RR/RSC) Photo by : City Agriculturist's Office
*WORK from HOME and START your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.comrss feedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=114859.0