Click image to start your protection
best life insurance philippines

Author Topic: Laging Handa Network Briefing on Radyo Pilipinas  (Read 277 times)

admin

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 29785
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • RSS Feeds
Laging Handa Network Briefing on Radyo Pilipinas
« on: April 10, 2020, 02:37:46 am »
Laging Handa Network Briefing on Radyo Pilipinas:
Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Tan:

- On COVID cases update: Good news ngayon dahil yung second patient natin, lalabas siya mamaya naka-fully-recovered na siya. So yung three confirmed cases natin, dalawa yung recovered na, isa na lang ang natira. Hopefully na yung isa mag-rerecover na naman para ma-zero na tayo. At this time, yung PUI natin ay bumaba at meron na lang 11. Yung PUM, umabot ng 191 persons. Wala pa tayong namatay dito sa lugar natin. Yung third patient natin, bago lang this week, nung Monday na-confirm na positive siya.

- On supply of food: Ang lugar natin is a combination of industrial kasi marami tayong economic zone ditto, merong mga 100,000+ workers and our bread and butter in the city is the tourism. Yung mga supply ng pagkain natin ay galing sa Cebu. Meron tayong mga isda dito sa lugar natin pero hindi masyadong marami. Pero in terms of supply ng tao, kasi ine-extend natin ang ECQ ng two week hanggang April 28, bale yung budget na binigay namin para sa bigas ng mga tao, binigyan namin ng isang sako bawat pamilya and ito ay hanggang end of April itong supply natin.

- On strict implementation of quarantine pass: Araw-araw yung mga pulis natin nakahuli ng mga lumalabas dala yung q-pass nila na walang binibili, naglalakwatsa lang. Nung isang araw meron tayong nahuli na 200+ na naglalakwatsa lang. Ang ginagawa natin ngayon, palagi tayong mag-remind. Matigas talaga ang ulo ng mga Pilipino na maski araw-araw mong sasabihin, lalabas talaga. So ngayon meron lang mga doon sa barangay level na kailangang i-correct yung sa q-pass nila. Kasi ang usapan yung q-pass ng barangay dapat may seal kasi makokopya ‘pag wala, pwedeng ma-scan ng tao. Pangalawa, dapat may pangalan kasi yung iba wala, at dapat may control number. We called the attention of the barangays and we are giving them three days to correct. Hopefully today, ma-okay na lahat ng mga q-pass. Sinabi na natin sa mga tao ng paulit-ulit na ang mga PNP, AFP, force multiplier natin ay sisita talaga sa kanila kapag lalabas na walang ginagawa. [pia-aa]

* Stay at Home and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.wirenine.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92495.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 www.dreamhost.com - Build your online web presence. Free website transfer and use of one-click Wordpress blog installation. Visit www.dreamhost.com

Guide: Sitemap

Click image to sign-up free
Best Insurance Company Philippines

Tags:
 

Website Counter