Author Topic: Interview with Martin Andanar  (Read 715 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33316
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Interview with Martin Andanar
« on: September 18, 2016, 12:04:44 AM »
*INTERVIEW WITH PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE *

*SECRETARY JOSE RUPERTO MARTIN ANDANAR*

*by Ely Saludar and Rhea Mamogay, Public Service, RMN (DZXL)*

*September 16, 2016 (11:22 - 11:49 A.M.)*





SALUDAR:

Samantala mga kasama, at sa pagkakataong ito nasa linya na natin ito pong
si Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Secretary, good
morning po.



SEC. ANDANAR:

Good morning, Ely at Rhea, at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa
inyong programa dito sa DZXL.



SALUDAR:

Okay, kasama natin dati iyan dito sa DZXL partner ha kaya ipagmamalaki
natin iyan. Tignan mo, cabinet secretary na.



SEC. ANDANAR:

Ako iyong unang gumamit ng ano diyan, radio booth nang lumipat tayo mula sa
Ugong.



SALUDAR:

Oo nga. Opo. So Secretary siguro maganda, at bagama’t kahapon mayroon na
rin kayong paglilinaw diyan sa Malacañang, pero para rin po sa kaalaman pa
ng ating mga listeners, kasi iyong iba nagkakagulo at kung anu-ano nang mga
isyu oh, lalo na kapag ang isyu po ay siyempre gustong linawin iyong kung
ano mang naging pahayag ng Pangulong Duterte. So, iisa na lang po ang
magiging opisyal na tagapagsalita sa pangalan po ng Pangulo?



SEC. ANDANAR:

Tama ka, Ely. Right from the very beginning, iyon naman talaga iyong
Standard Operating Procedure. Dapat ‘no, si Spokesperson Ernesto Abella
lamang ang pangunahing tagapagsalita ng ating Pangulo. Kaya pinaalala po
natin sa Gabinete noong Tuesday na—pinaalala ko po sa kanila na sabi ko ay
mayroon tayong mga criticisms na natatanggap, heavy criticisms dahil nga
parang lumalabas na napakadaming spokesperson po ang ating Pangulo. Ngayon
sabi ko sa kanila, pinaalala ko na as far as I know isa lang ho ang
itinalaga ng Pangulo na spokesperson, iyan ho ay si Ginoong Ernesto Abella.
At ang inyong lingkod po ay papasok lamang kapag wala si Spokesperson—



SALUDAR:

At kung hindi available si Secretary Abella, kayo ang puwede naming
interview-hin.



SEC. ANDANAR:

Yes, sir. O kaya halimbawa ngayon, si Ernie ay nasa Washington D.C. kasama
siya ni Jun Yasay, so ako iyong tagapagsalita. Now, depende rin iyon sa
topic—



SALUDAR:

Yes sir, depende sa issue.



SEC. ANDANAR:

—kung puwede lang po ay bigyan natin ang PCO ng unang opportunity to answer
all of the clarificatory questions ng ating media. Now kung sa palagay ho
namin ay hindi sapat ang aming kaalaman para sagutin lahat ng tanong ng
media, that is the only time that we refer or... we defer to a cabinet
official who has the field of expertise ‘pag doon po sa paksang
pag-uusapan. So iyon malinaw ho iyon, malinaw iyon and the President also
approved the move na I raised at the cabinet ‘no. Ang sabi ng Pangulo, okay
sa kaniya iyon.



Now ang pakiusap ko din po sa media, bago ho tayo magtanong sa ibang mga
cabinet members din, dito kayo diretso sa PCO dahil it is only the
Presidential Communications Office who will give you the official
presidential pronouncements. Unless we say so, halimbawa kahapon nagkaroon
ho ng—



SALUDAR:

Halimbawa iyong sa Senate, halimbawa ganoon. Sino ang dapat kausapin doon?
Si...



SEC. ANDANAR:

Nag-heads up ako sa lahat ng MPC. Sabi ko, “MPC, ang magsasalita lamang sa
isyu na ito ay si Secretary Vitaliano Aguirre.” Nag-usap-usap na kami. So
iyon, ‘di dumiretso iyong MPC doon kay Vitaliano Aguirre sa kaniyang
pronouncement, at iyon ang official line ng Palasyo.



SALUDAR:

Opo. Halimbawa, at siyempre may mga iba’t ibang mga isyu ito Secretary.
Halimbawa kukuha ng legal opinion sa Malacañang, pupuwede namang—eh sino
pupuwedeng magsalita kapag legal? Si Secretary Panelo, parang ganoon?



SEC. ANDANAR:

Hindi—



SALUDAR:

O idadaan muna sa inyo, na kung sinong ang dapat magsalita sa ganoon?
Papaano?



SEC. ANDANAR:

Oo sa amin muna, kasi kami iyong nakikipag-ugnayan sa mga senior cabinet
officials like Executive Secretary, the Cabinet Secretary, sila ni
Secretary Esperon, sila ni Secretary Jesus Dureza. Ang ginagawa po namin
ay, we all huddle to get—mayroon kasing ano Ely, mayroon kaming
Communications Core Group sa loob ng Gabinete.



SALUDAR:

So iyon, at least maganda, malinaw ‘no para hindi rin po magkakaroon ng
kalituhan. Kasi sa mga nakaraan, talagang iba-iba ho iyong nagiging... ‘di
ba, iyong pahayag at mga nagiging interpretasyon, so mali pala iyong taong
dapat na pagtanungan.



SEC. ANDANAR:

Opo.



MAMOGAY:

Opo, at iba ang dating sa publiko.



SEC. ANDANAR:

Opo, so tinukoy ko nga po sa press conference sa Malacañang Press Briefing
Room na ganito ang sistema. Alam naman natin Ely, na ito ay—we are still
adjusting, kasi hindi naman lahat ng pangulo ay pare-pareho ng estilo ‘di
ba? So for example, mayroong mga pangulo na dumidepende sa sinulat na
speech, isinulat na press release. At ang Pangulo ngayon ay ano, diretso ho
ito, wala nang speechwriter-speechwriter, depende na lamang sa—pero most of
the time, the President really speaks off the cuff ‘no, kung anong kaniyang
nasasabi. Kung anong kaniyang naiisip ay sinasabi ng ating Pangulo, at
hindi siya komportable doon sa teleprompter ‘no. You know, and we have to
adjust ‘no, hindi naman lahat kasi—I mean, different strokes for
different...



SALUDAR:

Kasi ako Secretary ang dami ko ring na-cover-an ‘no, nag-Malacañang Press
Corps mula kay FVR. Dati may advance copy kami, iyan ba kay FVR, advance
copy kami ng speech. Kung anong nasa speech niya noon, minsan may adlib
nang konti—



MAMOGAY:

Kokonti lang.



SALUDAR:

May kaniya-kaniyang ano eh, tama iyong sinasabi mo Secretary – may
kaniya-kaniyang estilo ang bawat presidente.



SEC. ANDANAR:

Oo, kaya nga I receive every criticisms Ely ‘no, and I accept them
constructively ‘no. At  kaya pinaliwanag ko sa Malacañang Press Corps,
pinapaliwanag ko sa inyo ngayon na of course, iyong mga nagki-criticize sa
atin ay ito naman, they are coming from the norm of  delivering messages
from the Presidential Communications Office from the Palace. And... at iyon
na nga, kaya pinapaliwanag ko sa lahat din na iba ang estilo ng ating
Pangulo, and we are adjusting to the President. Hindi naman ang Presidente
mag-a-adjust sa atin eh. Sa amin sa PCO, kami ang mag-a-adjust sa
Presidente kaya we are fine tuning everything. And rest assured na Ely
‘no... na I am personally accepting criticisms constructively. At we are
improving our communications processes daily, as in... and we speak ‘pag
may mali, we are fine tuning it. And tayo naman ay hindi perpekto ‘no,
tayo’y nagkakamali din, pero Inaayos natin itong mga pagkakamali na ito.



ELY:

Opo. Pero Secretary... tsaka wala pa namang 100 days ah, wala bang ano,
walang ceasefire o honeymoon period dyan?



SEC. ANDANAR:

(laughs).



ELY:

Hundred days wala pa eh.



SEC. ANDANAR:

Kayo ang makakasagot niyan. (laughs).



ELY:

Kaya pala eh. Si  Pangulong Duterte rin nga mismo wala pang hundred days,
eh di ba, ang dami ng—busy ka agad.



RHEA:

Dami ng—



SEC. ANDANAR:

Oo—



RHEA:

Sa ngayon nga lang eh—



SEC. ANDANAR:

Ganoon talaga, Ely ‘no at Rhea.



RHEA:

Opo.



SEC. ANDANAR:

Dahil alam naman natin na marami ho tayong kalaban ng ating Pangulo. Marami
hong masasagaan na mga illegal na negosyo, mga—matapang kasi ang ating
Pangulo at iyon ang ipinangako ng ating Pangulo sa taong bayan noong siya
ay tumatakbo na bibigyan niya ng isang malinis na gobyerno ang ating
mamamayan at bibigyan din tayo ng malinis na kalsada sa pamamagitan ng
pagsawata ho ng illegal na droga.



ELY:

So sa nakaraang Cabinet meeting, Secretary, kasi maraming nagtatanong sa
amin kasi mahirap iyong puro kung ano-anong kontrobersiyal na isyu. Eh, ano
ho ba iyong mga pangunahing napag-usapan doon? Kasi marami ngayon... ngayon
medyo marami ang natutuwa dahil sa iyong mga bagong opisyal ng PCSO at
nangako ng mas mabilis na serbisyo. Kasi ang dami-dami pong nangangailangan
ng tulong, mga pumupunta sa PCSO, pero ang mismong Pangulo ang sabi niya 20
million a day—



SEC. ANDANAR:

Oo.



ELY:

Nalulugi. Matindi po iyong katiwalian diyan. So, napag-usapan din po iyon,
‘no, sa Cabinet meeting?



SEC. ANDANAR:

Napag-usapan, Ely, ang small time lottery. Kasi nagbigay ng report si
Secretary Vitaliano Aguirre tungkol nga sa small time lottery kung papaano
ito naaabuso, kung papaano—eh dapat kumikita ng malaki ang gobyerno, pero
lumiliit ang kita dahil hindi nga accurate at hindi maganda ang proseso sa
pagre-remit ng pera sa gobyerno. Kaya hahayaan ko na lamang po si Secretary
Vitaliano Aguirre na magpaliwanag sa inyo kasi siya iyong nakaka-alam
talaga. So, napag-usapan iyon, so—STL is part of PCSO, ‘di ba? STL PCSO ba
ito?



ELY:

Opo, PCSO.



RHEA:

Opo.



SEC. ANDANAR:

PCSO, tapos mayroon ding ano—napag-usapan din iyong convening of the LEDAC—



ELY:

Iyon—



SEC. ANDANAR:

Naghihintay tayong mga reporter dito sa convening of the LEDAC, dahil
pagkakaalam ko dalawang beses lang kino-vene ito noong panahon ni Pangulong
Aquino at—ipinaliwanag din ni Secretary Adelino Sitoy, iyong bagong kalihim
ng PLLO ‘no.



ELY:

Opo.



SEC. ANDANAR:

At ipiniliwanag niya sa Gabinete iyong mga priority bills ng ating Palasyo.



ELY:

Opo. Maganda ho iyon kasi kapag may LEDAC meeting, napag-uusapan na, eh
iyong mga bills, kasi maraming naghihintay sa Death Penalty Law, iyong
emergency powers para lutasin iyong problema sa daloy ng trapiko. So,
siguro makakasama iyan—



SEC. ANDANAR:

Itong BBL.



ELY:

Oo. Pati iyong sa BBL, lahat to ‘no, marami yung priority.



SEC. ANDANAR:

Oo.



ELY:

Priorities ho ng administrasiyon—



SEC. ANDANAR:

Oo. Nandiyan iyong sets ng program ni Secretary Dominguez.



ELY:

Opo.



SEC. ANDANAR:

Iyong taxation. Iyong modernization ng AFP, oo. Iyon, so talagang ano,
talagang—ito’y mapapaliwanag din sa atin ng husto. In fact, nagkaroon ng
press briefing kahapon si Secretary Adelino Sitoy doon sa Malacañang.

ELY:

Pero Secretary ito, maraming nagtatanong. Kasi marami na ring nag-aabang
dito sa ‘Narco List’ -- iyong final ‘Narco List’ ng Pangulo sa 1, 000 local
officials, judges, iyong mga police. Kailan ho ba ito ilalabas ng Pangulo,
mayroon na ho ba kayong ideya?

SEC. ANDANAR:

Hindi ko masasabi kung anong petsa ilalabas ng Pangulo. Mahirap naman na
pangunahan ko ang ating Pangulo pagdating diyan. Basta ang alam ko lang eh
isanlibo iyong nasa listahan at kung ano iyong manner ng pagpalabas ng
Pangulo at kung ito ba ay installment basis o one-time big time na
ilalabas, nasa Pangulo na po iyan, Ely.

ELY:

Opo. Okay, partner may tanong ka pa?

RHEA:

Secretary, makiki-update lang ako dito sa binuksan niyong ‘8888 hotline.’
Gaano na karaming mga calls ang natanggap niyong may kinalaman nga dito sa
korupsiyon at iyong may mga kinalaman sa ilegal na droga?

SEC. ANDANAR:

Wala pa akong report sa harapan ko, pero aalamin ko sa Cabinet Secretary
dahil sila po ang namumuno dito sa 8888. Iyan ang tanong mo ‘di ba?

RHEA:

Yes, sir.

ELY:

Oo, iyong apat na otso—

SEC. ANDANAR:

Iyong 8888, tsaka 911 sila ho iyong lead agency dito. And the moment I get
an update, ipapasa ko po sa inyo iyong datos.

ELY:

Opo. So Secretary, baka mayroon kang huling panawagan sa ating mga
listeners, sa taong bayan, at ngayon eh tuloy ang kampanya sa ilegal na
droga pero ang dami, kung ano-anong mga isyu na lumalabas at bagamat salita
na wala po hong 100 days si Pangulong Duterte, o iyon pong administrasyon?

SEC. ANDANAR:

Ely at Rhea, nagpapasalamat ako sa programa ninyo sa pagkakataong ito, at
pinapasalamatan ko iyong mga supporters po ng ating Pangulo at iyong mga
supporters din na nakakaintindi sa mga ginagawa po ng ating gobyerno
ngayon. Sana po eh tuloy-tuloy niyong suportahan ang pagbabago na ating
ginagawa, sa Executive Department, at iyong pagbabago ho na ginagawa din ng
mga katuwang natin sa Lower House at sa Upper House. At ito pong kampanya
na ito na laban sa ilegal na droga, patuloy po nating suportahan. Mayroon
po tayong declaration of state of lawlessness, ibig sabihin ho nito hindi
natin alam kung nasaan ho iyong mga kalaban nating terorista. Let us
cooperate with our police force and our Armed Forces of the Philippines
para mas mapadali po iyong kanilang trabaho dahil alam po natin na kapag
ang isang bansa po ay mapayapa, mas madali pong umunlad pagdating po sa
ekonomiya.

Marami pa hong mga proyekto, polisiya ang ating Presidente. Tuloy-tuloy ho
ang ating trabaho. Kami ho sa gobyerno, tumatanggap ho kami ng kritisismo
‘no, ito ho ay constructive lamang. Pero kahit na po ay maraming bumabato
sa atin na kahit na faceless na po, huwag po kayong mag-alala, lalong-lalo
na po iyong naniniwala sa ating Pangulo. Kami po ay hindi magpapatinag ‘no
at kami ay magta-trabaho lamang para sa taong bayan. Para sa bayan po ito.
Maraming salamat, Ely, at Rhea. Mabuhay kayo!

ELY:
Salamat. Maraming salamat kay Secretary Martin Andanar ng Presidential
Communications Office.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=82767.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: