TUBAGBOHOL.com with Ligalig Mike Ortega

The Philippines => LGU Philippines => Topic started by: MIKELIGALIG.com on December 21, 2017, 12:20:58 AM

Title: Income Tax
Post by: MIKELIGALIG.com on December 21, 2017, 12:20:58 AM
THE HONORABLE HENRY C. ONG
2nd District of Leyte
Vice Chair, Committee on Banks & Financial Intermediaries
Member, Transportation, Visayas Development,
Economic Affairs, and 8 other committees
BIR, DAPAT ABISUHAN ANG EMPLOYERS SA TAMANG PAGKALTAS NG INCOME TAX SIMULA ENERO 2018

Nananawagan si Leyte Congressman Henry Ong sa Bureau of Internal Revenue at Finance Department na siguruhing makikinabang ang mga empleyado at iba pang taxpayer sa bagong income tax exemption at brackets na nakasaad sa TRAIN Law.

"Kailangang magpalabas na ang BIR at DoF ng isang advisory o direktiba sa publiko at employers agad ipatupad ang bagong income tax withheld sa mga sweldo simula sa unang payroll cut-off ng Enero," aniya.

Pangamba kasi ni Ong na, "baka mayroong mga employer o mga kumpanya na hindi pa na-update ang kanilang payroll system at software."

“Itong income tax withheld lang naman ang kailangang agaran na mapatupad para agad maramdaman ng sambayanan ang bisa ng TRAIN Law,” ayon sa congressman “dahil iyong iba pang bagay na saklaw ng TRAIN ay sa implementing rules and regulations na ilalatag.”

"Kailangan rin paalalahanan ang publiko na hindi pa saklaw ng TRAIN Law ang pag-file ng income tax returns sa Abril dahil para sa 2017 ang income na inirereport doon," punto ni Ong.

Mainam na raw na linawin na agad ng BIR at DoF ang tamang pagkaltas ng income tax withheld sa Enero para maiwasan ang di-pagkakaunawaan, pagkalito, at iba pang katulad na isyu. (WAKAS)

Your device is compatible with our app. Click HERE to get your FREE TubagBohol Android App (http://Click HERE to get your FREE TubagBohol Android App)

Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal