Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Hostage drama: Lasing si Executive Secretary Paquito Ochoa ?  (Read 1719 times)

kan-ogong

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 363
  • LIGO NATA
    • View Profile
Hostage drama: Lasing si Executive Secretary Paquito Ochoa ?
« on: September 03, 2010, 01:51:01 AM »
Alas-11:00 ng gabi umano pumunta si Executive Secretary Paquito Ochoa sa Malacañang. Tapos na ang hostage drama sa Luneta.


Kaya ang nangyari, si Pangulong Noynoy Aquino ang nagbigay sa kanya ng briefing sa halip na siya ang mag-report sa Pangulo tungkol sa malungkot na pangyayari na ikinamatay ng walong turistang Intsik na taga-Hong Kong at ng hostage taker na si Rolando Mendoza.


Bakit gabi na nag-report sa Malacañang si Ochoa gayung dapat alam niya na may nangyayaring hostage drama?


Aba, maniniwala ba kayo na marami ang nakakita sa kanya sa lobby ng Peninsula Hotel kasama raw si Vina Morales at nag-iinom? Nalasing tuloy. Nag-goodtime habang tuliro si PNoy kung ano ang gagawin.


Ang lumabas, mas maraming alam si PNoy sa hostage drama kaysa kay Paquito Ochoa. Kaya ang nag-briefing sa kanya ay ang Pangulo. Baligtad.


Ano ba ang nangyayari sa pamahalaang Aquino? Parang walang in-charge. Dapat ang nagmamando ay ang Executive Secretary, si Paquito Ochoa. Kung ‘di man, dapat alam niya ang nangyayari at magmumungkahi sa Pangulo kung ano ang dapat gawin.


Paano magmumungkahi? Alas-11:00 na ng gabi nag-report sa Malacañang. Lasing pa raw.


Kung kalahati man lang ng balitang ito ay totoo, dapat sibakin si Ochoa.


Mapapahamak ang Pangulo dahil kay Ochoa.


Siyempre nakarating na sa mga awtoridad sa Hong Kong ang paglalasing ni Ochoa.


Hindi sila matutuwa sa ganitong pangyayari.


Sa tingin ng marami, puro palpak si Ochoa. Unang araw ng panunungkulan ni Pangulong Aquino, nag-isyu si Ochoa ng Memorandum Circular No. 1.


Bago nalamang mali, naikalat na. Nag-isyu ng bagong Memorandum Circular No. 1 pa rin. Noon ding petsang iyon, Hulyo 1.


Ang sumunod ay isang Executive Order na naglilikha ng Truth Commission.


Walang pangil ang commission at hanggang ngayon hindi pa nabubuo. Masama pa nito, sa third level official mag-uumpisa ang imbestigasyon sa kurakutan sa halip na kay Pangulong Arroyo.


May bisa ang Truth Commission hanggang Dec. 31, 2012. Maikli ang panahon.


Ano ba ang akala ni Paquito Ochoa? Matatapos ang trabaho ng Truth Commission sa ganung kadaling panahon.


Baka kahit isa walang matapos na imbestigasyon.


Hindi napapansin ni Pangulong Aquino na ang Executive Secretary ay tinatawag na Little President.

Siya ay may kapangyarihan na gamitin ang pangalan ng Pangulo sa pagganap ng tungkulin.


Paano magaganap ng tama kung puro palpak ang desisyon? Pagkatapos sa panahon ng malaking krisis na ikinagalit ng Tsina at Hong Kong, naglasing pa si Ochoa kasama ang maganda at sikat na si Vina Morales.


Dalawang buwan na sa tungkulin ang pamahalaang Aquino. Wala pa kaming nakikitang maliwanag na direksyon kung saan patungo. Lalo na sa paghabol sa mga kurakot.


Maliban sa paglikha ng Truth Commission, wala rin kaming naririnig kay Ochoa kung paano maghahanap ng katotohanan sa hinalang malawakang kurakutan ng rehimeng Arroyo.


Para bang wala siyang maimungkahi sa Pangulo. Saan tayo papunta kung ganyan?


Sasabayan pa ng paglalasing ni Ochoa.


Ang ginawang paglalasing ni Ochoa sa harap ng malubhang krisis na umabot sa malaking kahihiyan kay Pangulong Aquino, dapat palitan na siya. E, parang walang ano man sa Pangulo ang ginawang paglalasing ng kanyang Executive Secretary.


Base sa mga nakaraang pangyayari na puro palpak, baka maubos ang tiwala ng tao kay PNoy. E, di balik tayo sa kawalang pag-asa. Parang walang mangyayaring pagbabago.


Nagkamali ba tayo sa pagpili kay PNoy bilang Pangulo? Ganu’n na nga ang labas.


Parang hindi mahawakan ng Pangulo ang mga tauhan niya. Parang hindi siya iginagalang.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31691.0
SOLONG MGA INSUREKTUS

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

islander

  • SUPREME COURT
  • THE LEGEND
  • *****
  • Posts: 46867
  • If you're from Pluto, you're welcome.
    • View Profile
    • Book Your Travel Tickets
Re: Hostage drama: Lasing si Executive Secretary Paquito Ochoa ?
« Reply #1 on: September 03, 2010, 02:29:52 PM »

aaarghhh.  the price of visibility.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31691.0
Republic Act 8485 (Animal Welfare Act of 1998, Philippines), as amended and strengthened by House  Bill 6893 of 2013--- violation means a maximum of P250,000 fine with a corresponding three-year jail term and a minimum of P30,000 fine and six months imprisonment

Book your travel tickets anywhere in the world, go to www.12go.co

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts