TUBAGBOHOL.com with Ligalig Mike Ortega

The Philippines => LGU Philippines => Topic started by: MIKELIGALIG.com on November 21, 2017, 04:19:43 PM

Title: Foreign funded projects sa mga Muslim villages
Post by: MIKELIGALIG.com on November 21, 2017, 04:19:43 PM
Peace talks tuloy kahit kapus sa pondo
by CL Cadorna
Koronadal City (30 August 2005) -- Hindi lubhang nakaapekto sa kasalukuyang negosasyong pangkapayapaan na isinusulong ng gobyerno at ng MILF ang kakapusan sa pondo ng pamahalaan.

Ito ang pahayag ni Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza kamakalawa nang siya ay dumalaw kasama si Gng George Vibar ng European Commission sa iba’t-ibang foreign funded projects sa mga Muslim villages sa North Cotabato at ilang bayan ng Maguindanao.

Nagpapatuloy ang peace at development initiatives ng Malacanang sa bahaging ito ng Mindanao sa tulong na rin ng International donors at iba’t ibang humanitarian organizations mula sa ibang bansa.

Ayon kay Dureza, dapat tayong magpasalamat sa tulong ng mga foreign donors at sa kanilang mga suporta na makamit ang hinahangad nating kapayapaan at pag-unlad ng mga kumunidad na may problemang pangseguridad. Nangangahulugan lamang ito na patuloy ang kanilang pagtitiwala sa Arroyo administration.

Kabilang sa mga proyektong dinalaw nina Dureza at Vibar ay ang mga communal water systems, housing at livelihood ventures na tinataguyod ng iba’t ibang organisasyon ng European Union sa mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal sa Maguindanao.

Hangad ng Pangulong Arroyo na isulong ang usapang pangkapayapaan bilang bahagi ng kanyang reporma sa ilalim ng Ten Point Reform Agenda. (PIA)
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal