I read this in thepinoy.net abante news by Jojo Gabinete sa entertainment news today.Cesar, sasanib kina Noynoy at Mar
ANG hindi matutuloy na pagkandidato ni Cesar Montano bilang Gobernador ng Bohol sa 2010 elections ang ikinakalat na balita ng kanyang mga makakalaban, isang bagay na mariing pinabulaanan ng aktor nang makasama namin siya sa promo tour ng Mega Sardines sa Zamboanga City noong Linggo.
Tuloy ang pagpasok ni Cesar sa pulitika at tila wala nang makakapigil pa sa kanyang plano na paglingkuran ang Bohol province.
In fact, inaalam na mabuti ni Cesar ang mga batas sa pagkandidato dahil halos kasisimula pa lamang ng bagong season ng kanyang show sa ABS-CBN, ang The Singing Bee.
Kumukonsulta si Cesar sa abogado dahil iniiwasan niya na magkaroon ng conflict sa kanyang political plans at weekly TV show. Ayaw ni Cesar na makakita ng butas ang mga kalaban niya sa pulitika para hindi matuloy ang kanyang kandidatura.
Ang mabigyan ng di senteng kabuhayan ang mga magsasaka at ang magkaroon ng disenteng ospital ang ilan sa mga pangarap ni Cesar para sa lalawigan ng Bohol.
Ito ang pahayag ni Cesar nang itanong namin ang kaibahan niya sa mga makakatunggali niya sa gobernatorial position.
“’Yung tradisyonal na politician, wala akong nakikitang... ako ‘yung napakaraming sports sa katawan, sa buhay ko.
“Sila ‘yung wala kaya makikita mo, ma-i-imagine ang itsura ng cultu ral center namin, sa sport, sa arena sa area namin, walang kakuwenta-kuwenta. Pinababayaan. Neglected, kawawa.
“’Yung team ng Bohol, soccer, sasali sa Cebu, makikipag-compete sa Cebu. Magagaling ito ha, nag-second sila doon sa Region 7 competition pero pinagtatawanan sila. Bakit? Naghihiraman sila ng sapatos. Walang support.
“Kawawa ang Bohol, nasasaktan ako. Siyempre, pinagtatawanan, eh. Ikaw ba naman pagtawanan ang kapwa mo, ang kababa yan, ‘di ba?
“At sino naman ang tutulong sa kanila doon sa sports eh, ang lalaki ng mga tiyan ng mga ‘yon. Mga pulitiko talaga.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=22948.0