Author Topic: Cesar Montano wants to run as Bohol Governor  (Read 923 times)

aduy

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1290
  • Time Heals All Wounds
    • View Profile
Cesar Montano wants to run as Bohol Governor
« on: April 25, 2009, 04:01:13 AM »
Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment portal) kay Cesar Montano, tinanong namin siya kung papasukin niya uli ang pulitika at tatakbong gobernador sa lalawigan ng Bohol. Matatandaang tumakbo si Cesar sa senatorial race noong 2007, ngunit hindi siya pinalad na manalo.

"May intention," pag-amin ni Cesar. "If I run, local position na, I prefer local position. Pero sa ngayon, busy ako sa Panaghoy Children's Foundation. Tumutulong kaming magpaaral ng mga batang gustong mag-aral at marami kaming scholar. Ang gustong tumulong, log on to www.panaghoy.org."

Kailan siya magde-decide sa pagtakbo?

"I heard November 30 ang deadline at proclamation. I have several months to decide. Wala pa rin naman akong party, to be quite honest."

May mga paninira na bang lumalabas tungkol sa kanya?

"Meron na rin at natutuwa ako dahil ibig sabihin, may threat silang nararamdaman sa akin. Kung wala silang nararamdamang ganun, sasabihin nilang huwag pansinin si Cesar."

Kung muli siyang tatakbo, hindi ba mapapagod sa pangangampanya ang misis niyang si Sunshine Cruz?

"She's very, very excited," sabi ni Cesar. "Gusto niya ang Bohol, gusto niya ang beach kahit hindi siya umiitim at namumula lang. Kapag nakakakita nga siya ng trash, siya mismo ang pumupulot."

Alam ni Cesar na iiwan niya pansamantala ang showbiz 'pag nag-decide siyang tumakbong gobernador at ready na raw siya at ang kanyang pamilya. Iiwan niya ang paghu-host ng The Singing Bee at stop lahat ang showbiz activities niya dahil ipinagbabawal ito ng Commission on Elections (Comelec).

"I am ready for that, pero may mga questions lang na dapat pag-usapan," sabi ng aktor. "Hindi problema ang school para sa mga bata dahil maraming good schools sa Bohol. Open din si Sunshine to stay in Bohol at tuwang-tuwa siya dahil walang stress, walang traffic, at masarap ang buhay dun, masarap mag-bike."


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=19311.0
If your heart acquires strength, you will be able to remove blemishes from others without thinking evil of them.

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: