Press Release: Higit 70 na former overseas Filipino workers (OFWs) ang sumalubong kay Secretary Art Tugade sa Calumpit Construction Yard sa Bulacan. Ang mga OFWs na ito ay kabilang sa mga kababayan nating nabigyan ng trabaho sa Malolos to Clark Railway Project ng Department of Transportation at Philippine National Railways.
Noong mga nakaraang linggo ay iprinisinta ng Sumitomo-Mitsui Corp. at Sta. Clara International Corp., ang mahigit 100 former OFWs na nauna nang na-hire sa proyekto. Ang pag-absorb sa mga OFWs na ito ay alinsunod sa kautusan ni Secretary Art Tugade na tulungan ang ating mga kababayang OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, nang sa ganon ay magkaroon sila ng kita para matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya, nang hindi na lumalayo o lumalabas ng bansa.
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121411.0