GOB NC: “BUKAS ANG AKING TANGGAPAN PARA SA LAHATâ€
Amas, Kidapawan (Nobyembre 23, 2020) - Bukas palad na tinanggap ni Governor Nancy A. Catamco ang mga Barangay Council na dumulog sa kanyang opisina ngayong araw.
Dumating ang buong Brgy Council ng Barangay Birada at Brgy Singao ng Kidapawan City, Brgy New Bunawan at Brgy Damawato ng Tulunan.
Batid sa kanila ang galak na personal nilang nakapanayam ang Gobernador. Ibinahagi nila ang mga kakulangan sa kanilang mga barangay. Lahat ito ay walang atubiling pinakinggan ni Gov. Catamco. “Hindi man natin agad-agad matutugunan itong inyong mga kahilingan. Ginagawa po namin lahat ang aming makakaya upang matulungan kayo.â€, sabi nya.
Kabilang sa nga prayoridad na proyekto ng barangay na hiniling nilang mapunduhan ay road concreting, street lights, livelihood at iba pang proyektong pam imprastraktura.
Agad-agad namang nabigyan ng Fiber Board para sa Basketball Rings ang Sangguniang Kabataan ng Barangay New Bunawan.
Sa huli ay nagbilin ang Goberbador, “Lagi pong handa ang aking opisina na tanggapin ang sino man. Wala pong kahit anong bahid ng politika ang aking tinitingnan. Basta po ay dapat mag serbisyo sa tao.â€.
(PGO Media Team)
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#KuyogTa
#Dumaki
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=117400.0