R.A. 11313
"Safe Spaces Act" o Bawal Bastos Law

Ano ang batas na ito?
- Ang Safe Space Act o Bawal Bastos Law ay isang batas na nag paparusa o isang krimen ang pambabastos sa babae at sa maging lalaki man, ito ay Gender Based Sexual Harassment sa online, streets, public places, workplaces/ trabaho, schools at training institutions.

Ano ang mga pangunahing pinagbabawal sa batas na ito?
Catcalling - ito ay isang uri ng street sexual harassment na kung saan nabastos ang isang babae sa pagsipol, tinawag na sexy o ganda, sexual rematks o mahalay na panalita sa babae, wolf whistling, sexual remarks. Tulad ng " miss ang sexy mo", "mami date tayu" "wow legs", "paglumingon ka akin ka"

Stalking- ito ay isang uri ng behavior o act ng isang individual na kung saan paulit ulit o regular na kinikita, visual o physical na paglapit sa isang tao na walang consent o palihim. Lagi nag message sa txt, messenger, sulat o tawag at anuman communication na walang pahintulot o kung meron man ay ito ay paulit ulit na ginagawa at nagbubunga ng takot at nag dudulot ng malubhang emotional distress.

Sexual Harassment sa Pampublikong Sasakyan - ito aybkapag ang isang drayber ng Jeep o Tricycle o anuman pambulikong sasakyan na ang driver ay nambastos sa pasahero. Maarng mawalan ng lisensya at prankisa ang sino man gagawa nito.

San mga lugar ang tiutukoy na public places na Bawal ang Bastos?

Harassment sa Streets, Restaurant, Bars, cafe, resorts, hotel and casinos, Mall and other private buildings open to public. Online o cyber based Sexuql Harassment.

Saan pwedeng mag report o isumbong ang paglabag sa Safe Space Act o Bawal Bastos Law?

sa PNP

Women and Childrens Protection Desk (WCPD- PNP)

Brgy. VAWc ofc.

May kulong po ba o parusa ang sino man lumabag nito?

maaring makulong ng Arresto menor o pagkakulong ng 6 to 10 days at pinakamatagal 30 days o fine na P1,000 hanggang P10,000.

Maari din makulong ng aabot 6months o multa aabot aa P100,000.

kung nakaranas po kayo ng pambabastos o anuman na mga pangyayari sa mga nabangit, maari kayo dumulog sa aming opisina.
#PNPKakampiMo
#8PreciousGem
#TeamPNP
Best Website Host:
www.bluehost.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=120728.0