Awit ng Kabalyero

  • 0 replies
  • 1272 views
*

Lorenzo

  • *****
  • 54226
  • Be the change you want to see in the world...
Awit ng Kabalyero
« on: February 26, 2008, 07:08:33 PM »
By: Eduardo Jose E. Calasanz

Cordoba.

Kay layo at nag-iisa.

 

Itim na kabayo, bilog na buwan

at mga olibo sa aking kargada.

Kahit na kilala ko ang daan

hindi ko maaabot ang Cordoba.

 

Sa kapatagan, sa hangin

itim na kabayo, pulang buwan.

Pinagmamasdan ako ng kamatayan

mula sa mga tore ng Cordoba.

 

Ay, kay layo ng patutunguhan!

Ay, kabayo kong matapang!

Ay, hinihintay ako ng kamatayan

bago makaabot sa Cordoba.

 

Cordoba.

Kay layo at nag-iisa.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=9973.msg98352#msg98352