“Kabataang Tausug, Pag-asa ng Lupah Sug”
Press Release - Kamakailan lamang ay matagumpay na naidaos ang kauna-unahang Gallant Youth For Peace Orientation (Bangkal Chapter) Batch-1-2021 at Parangal para sa mga “Tausug Heroes” sa Brgy Pangdanon, Patikul, Sulu na inorganisa ng Gallant Troopers sa pamumuno ni LTC VICENTE B MABBORANG JR INF GSC PA katuwang ang 1102nd Infantry “GANARUL” Brigade na pinamumunuan ni BGEN BENJAMIN G BATARA JR PA. Kaagapay din sa naturang pagdaraos ang butihing Ama ng Patikul na si Hon. KABIR E. HAYUDINI, na patuloy sa kanyang programa para sa mga kabataan.
Ang Gallant Youth For Peace Orientation ay dinaluhan ng dalawampung aktibong kabataan mula sa Sitio Amman, Baunoh at Moreno ng Brgy Bangkal, Patikul, Sulu. Ito’y naglalayong hubugin ang kanilang mga potensiyal na abilidad na maging isang mabuting pinuno sa kanilang komunidad. Layon din ng programa na sila’y mailihis sa mga masasamang gawain katulad ng pagkalulong sa masasamang bisyo o droga at pagsama sa mga teroristang ASG. Sa kabila ng maikling panahon, naipamalas at naibahagi ng mga kalahok ang kanilang angking kakayahan at katalinuhan. Masasabing nakamit nang nasabing programa ang mga itinakdang layunin nito.
Sa kabilang banda, sa gitna ng trahedyang nangyari sa PAF C-130 na naganap sa Barangay Bangkal maraming sibilyan, sundalo at CAA ang nagpamalas ng katangi-tanging kabayanihan na hinangaan ng buong mundo. Dahil dito pinarangalan at nag abot ng kanyang tulong si Mayor Hayudini kasama ng ibang ahensiya sa bayan ng Patikul sa mga tinaguriang Tausug Heroes bilang pasasalamat at paghanga sa ipinakita nilang katapangan at dedikasyong tumulong sa kapwa. Limang miyembro ng 45IB ang kasama sa pinarangalan bilang pagkilala sa agarang pagtulong na binigay ng naturang batalyon.
Ang buong kasundaluhan ng 45th Infantry (Gallant) Battalion ay taos pusong nagpapasalamat sa mga kabataang nakilahok sa Gallant Youth For Peace Orientation at sa mga magigiting nating Tausug Hereos. Sana ay maging inspirasyon kayo ng mga iba pang kabataan na maging responsableng mamamayan ng Patikul. Ang pagdaos ng ganitong mga aktibidad ang nagpapatunay sa matibay na samahan ng AFP, LGU at mga mamamayan ng Sulu.
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121582.0