Hindi pa man rumarampa sa karagatan, kitang-kita na ang natatanging kagandahan ng MRRV-9702 na kikilalanin bilang BRP MELCHORA AQUINO!
Tatlong araw na lang, maglalayag na siya mula Shimonoseki Shipyard, Japan papuntang Maynila para magserbisyo sa sambayanang Pilipino.
Pero sino nga ba si MELCHORA AQUINO na inspirasyon sa pangalan ng pangalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG)?
Kilala bilang TANDANG SORA, si Melchora Aquino ay itinuturing ng mga rebolusyonaryong Pilipino bilang “INA NG BALINTAWAK” noong panahon ng mga Espanyol.
Maganda rin si Tandang Sora dahil sa kanyang kabutihang loob! Ginagamot niya ang mga sugatang Katipunero at hinihikayat silang patuloy na makipaglaban para sa bansa sa pamamagitan ng dasal at kalinga ng isang ina.
Siya si MELCHORA AQUINO.

#DOTrPH

#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122374.0