Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Tomas Cloma of Bohol Discovered Kalayaan Islands  (Read 304 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 34043
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Tomas Cloma of Bohol Discovered Kalayaan Islands
« on: May 13, 2022, 08:03:25 AM »
Hindi gaano kilala sa ating kasaysayan ang pangalang Tomas Cloma, pero naging kadikit na sa kanyang pangalan ang mga isla sa West Philippine Sea na kasalukuyang pinag-aagawan ng ating bansa at ng China. At sa araw na ito noong 1956, ang tinaguriang makabagong Fernando Magallanes at ang kapatid nitong si Filemon at 40 iba pang kasamahan nito ay inukopa ang mga isla at mga bahura sa kanlurang bahagi ng karagatang sakop ng katimugang Palawan, at pinangalanan ang mga isla doon na "Free Territory of the Freedomland" na isang microstate. Ito ang kauna-unahang pagkakataong inangkin ng isang Pilipino ang mga isla at bahura sa West Philippine Sea, mula nang maitampok ang mga islang iyon sa lumang mapa ng Pilipinas na iginuhit noong panahon ng mga Espanyol.

Ika-15 ng Mayo nang idineklara nina Tomas at Filemon Cloma sa buong mundo sa pamamagitan ng isang manipesto na tinatawag na "Notice to the World" ang pag-aangkin sa mga naturang isla, at matapos itaas doon ang bandila ng ating bansa ay itinatag naman nila ang "Free Territory of Freedomland" noong ika-21 ng Mayo. Hindi lamang nito ay bumuo pa siya ng sariling pamahalaan na ang kabisera ay nasa Patag Island, at siyang mangangasiwa sa bagong tatag na microstate. Parehong inalmahan ng Taiwan, na dati nang may pag-aangkin sa mga inaangking isla ni Cloma, at ng pamahalaan ng Pilipinas, ang aksyong ito nina Cloma. Itinuring ni noo'y Pangulong Ferdinand Marcos na iligal ang pag-aangkin ni Cloma sa mga islang iyon at ipinakulong pa siya ng Pangulo dahil sa pagpapanggap bilang isang opisyal ng militar at tawagin ang sarili bilang Admiral.

Taong 1974, pinakawalan rin si Cloma sa Camp Crame, sa kondisyong bibitawan nito ang mga pag-aangkin niya sa mga naturang isla sa pamamagitan ng paglagda ni Cloma ng "Deed of Assignment and Waiver of Rights", dahilan para maipasa sa pamahalaan ng Pilipinas ang pag-aangkin sa mga teritoryong inangkin nito. Pagkatapos nito ay inangkin naman ni Pangulong Marcos ang mga islang nadiskubre at inokupa ni Cloma, tinayuan na ng mga base militar lalo na sa kasalukuyang Pag-asa Island, at noong Hunyo 1978 ay pormal nang inangkin ng Pilipinas ang mga naturang isla na tinawag niyang "Kalayaan Group of Islands", kung saan kasama rito ang mga islang pinag-aagawan ng limang mga bansa, kasama na ang ating bansa, Malaysia, at China. Sa pamamagitan rin ng Presidential Decree no. 1595 ay ginawang munisipalidad ng lalawigan ng Palawan ang mga islang dating inangkin ni Cloma at pinangalanan ding Kalayaan. 

Mga Sanggunian:
• The Kahimyang Project (n.d.). Today in Philippine history, May 11, 1956, Tomas Cloma took possession of the Kalayaan group of islands. https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1758/today-in-philippine-history-may-11-1956-tomas-cloma-took-possession-of-the-kalayaan-group-of-islands
• Wikipedia (n.d.). Free Territory of Freedomland. https://en.m.wikipedia.org/wiki/Free_Territory_of_Freedomland

#SulyapSaNakaraan
#TomasCloma #TerritoryOfFreedomland
#KalayaanGroupOfIslands
#WestPhilippineSea
#PhilippineHistory #SocSciclopedia

* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at www.tala.com Philippines



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122201.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET travel tickets, hotel rooms and all travel needs at www.klook.com

GROW YOUR MONEY FASTER than bank deposits at www.coins.ph

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts