Si Teodoro Andal Agoncillo ay isa sa mga pinakatanyag na Filipino historian ng bansa ng ikadalawampung siglo. Kasama ang iba pang mananalaysay ng 20th century gaya nina Gregorio Zaide at Renato Constantino, pinasimulan nila ang pagsusulat ng kasaysayan mula sa pananaw ng isang makabayang Filipino.
Isinilang si Agoncillo sa Lemery, Batangas noong November 9, 1912 mula sa mag-asawang Pedro Agoncillo at Feliza Andal. Natanggap ni Agoncillo ang kanyang bachelor’s degree sa philosophy mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1934, at master’s degree sa arts mula sa parehong unibersidad nang sumunod na tao. Nagsilbi siya bilang linguistic assistant ng Institute of National Language, at tagapagturo sa Far Eastern University at Manuel L. Quezon University. Naglingkod rin siya bilang chair ng Department of History ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1963 hanggang 1969. Pinangalan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal si Agoncillo bilang kasapi ng National Historical Institute noong 1963.
Dahil sa kanyang natatanging konstribusyon sa pagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas, pinarangalan siya bilang National Scientist of the Philippines noong 1985. Kabilang sa mga aklat na isinulat niya ay ang The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan (1956), Malolos: The Crisis of the Republic (1960), History of the Filipino People (eight editions: 1960, 1967, 1970, 1973, 1977, 1984, 1986, 1990), The Writings and Trial of Andres Bonifacio (1963), The Fateful Years: Japan's Adventure in the Philippines (1965), Filipino Nationalism: 1872-1970 (1974), Introduction to Filipino History (1974), at sa Isang Madilim: Si Balagtas at ang Kanyang Panahon (1974).
Pumanaw si Agoncillo noong January 14, 1985.
#NgayongArawSaKasaysayan
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121674.0