Higit isang linggo nang patay si Heneral Antonio Luna, sunod namang namatay sa araw na ito noong 1899 ang mga tagasuporta ni Heneral Luna sa hanay ng militar at magkapatid na sina Major Manuel at Kapitan Jose Bernal.
Naglabas noon ng kautusan si Pangulong Emilio Aguinaldo para disarmahan dakpin ang mga sundalo at pinunong militar na tagasuporta kay Heneral Luna, at kabilang sa mga pinagdadampot ang magkapatid na Bernal. Dito na pumasok sa eksena ang noo'y 23-anyos na heneral at malapit na kaalyado ni Pangulong Aguinaldo na si Gregorio del Pilar, na diumano ay ipinag-utos na pahirapan ang magkapatid na Bernal. Habang pinahirapan ng mga sundalong tauhan ni Heneral del Pilar si Manuel Bernal, pinalaya naman mula sa pagkakabilanggo si Jose Bernal. Wala nang nakakaalam sa sinapit ni Manuel mula noon, pero habang nasa Candaba, Pampanga si Jose, pinagbabaril siya ng hindi pa nakikilang suspek.
Labis na bumaba ang moral ng hukbo ng Unang Republika sa pagkamatay ni Heneral Luna at sa pagkakaaresto sa mga opisyal na kapanalig ni Luna. At isa ang magkapatid na Bernal sa mga naging biktima ng pag-purge ni Pangulong Aguinaldo sa mga hinihinalang tagasuporta niya.
Sanggunian:
• Philippine-American War, 1899-1902. (n.d.). June 5, 1899: Assassination of Gen. Antonio Luna.
https://www.filipinoamericanwar18991902.com/lunaassassination.htm#SulyapSaNakaraan
#CaptainJoseBernal #MajorManuelBernal
#BernalBrothers #FilipinoAmericanWar
#PhilippineHistory #SocSciclopedia
* * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122679.0