By MAMALA ANZING Z. POQUITA Talumpati Ng Taon is a joint yearly presentation of Ang Sandigan, Pan Hellenic Society, and Departmento ng Filipino of Silliman University, Dumaguete City.
This year’s eleventh edition has for its theme: “Wikang Filipino, Mananatiling Pag-asa sa Pagkakaisa ng Bawat Pilipino.†The most-awaited battle of the best speakers took place on Aug. 11, 2007 at Claire Isabel McGill Luce Auditorium of the world famous foundation university. The three-hour activity was carried live over Energy FM, Sky Cable, and Negros Chronicle.
Among the nine finalists is 17 year old Reginne Poquita Limbaga, a freshman nursing Coed of Silliman University. Reg as she’s fondly called, is a Boholana by birth and heart, the eldest child of Engr. Rey S. Limbaga of Dipolog City and Gina Maria Poquita Limbaga of Lindaville Subd. Ph. I, Tagbilaran City.
The board of judges, composed of Rev. Noel Villalba, chairman; Ernest Deleacar and Jeannette Piñero-Hurtado, members, picked three best speakers namely; Jaan Raj I. Barrera, first place; Reginne Poquita Limbaga, second place; and Nikko Paolo R. Cablao, third place. Let me share to our readers the full text of Reginne’s second best piece.
Sa isang bansang binubuo ng libu-libong pulo na may iba’t-ibang kultura at tradisyon, isang wika ang nagbubuklod at nagbibigkis sa mga tao, isang wikang nananalaytay sa dugo ng bawat Pilipino, siyempre ano pa kundi, Wikang Filipino.
Madlang bayan, lupon ng inampalan, kapwa ko mga kabataan, Ako ang anak ng Bisaya na bumabati sa inyo ng “Magandang Gabi.â€
Mga kapuso at kapamilya, wala ba kayong napapansin? Nakikita o naririnig sa paligid? Hayaang ipahatid ko sa inyo ang nais kong iparating. Sa pag-inog ng panahon ay unti-unting nababahiran ng wikang dayuhan ang ating pananalita. Nakalulungkot isipin, na tayong mga Pilipino rin ang unti-unting pumapatay sa sarili nating wika. Masakit isipin na ang mga kabataan ngayon, lalo ng ang nasa murang edad ay namulat na sa paggamit at pagbigkas ng wikang banyaga. At kung pakalilimiin natin ang sinabi ni Gat Jose Rizal, na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan, nasaan na ang pag-asa? Ang pag-asang mananatiling buhay sa isip at puso ng mga kabataan sa darating na mga araw, ang Wikang Filipino. Masyado na nating niyakap ang wika ng ibang bansa, gaya ng wikang Ingles, hindi ba ito nakababahala?
Oo, ang wikang Ingles ay may malaking ginagampanan sa ating buhay at sa ating bansa, lalung lalo na sa aspetong pangkalakalan at ugnayang diplomatiko. Ngunit hindi ibig sabihin, na isantabi na natin ang paggamit at pagbigkas ng wikang nagsilbing kaluluwa ng ating Inang Bayan. Ngunit, paano natin ito malulutasan? Ang sa akin naniniwala ako na ang ating mga guro sa asignaturang Filipino ay makatutulong nang mahigit sa pagpapatupad at pagtuturo ng wastong paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Ang mga guro at edukador ay puspusang nagsasaayos ng mga gawain sa pagtuturo upang maging kawili-wili, maayos, at makabuluhan ang pag-aaral ng ating sariling wika.
Maging sa makabagong panahon, ang mga batayang aklat sa mga paaralan ay magsisilbing mahalagang kasangkapan sa pagtuturo at layunin ng mga aklat na ito na paunlarin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa epiktibong pagpapahayag, ginagamit ang sariling wika, sa iba’t ibang sitwasyon na sumasaklaw sa apat na lawak ng komunikasyon; ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Ngunit hindi lamang sa apat na sulok ng silid-aralan, mababatid ang kahalagahan ng wika. Ang Wikang Filipino ay siyang ginagamit ng ating mga kapatid sa malalayong lalawigan na kadalasan ay hindi naabutan ng makabagong paraan ng komunikasyon, sila ay nagkaiintidihan at nagkauunawaan dahil sa isang wika, salamat sa Wikang Filipino.
Napakahalaga ang pag-uugnayan at pagkakaisa gamit ang sariling wika, iba-iba man ang antas ng ating buhay. Ang mga kaalaman at kasanayan ay nararapat na patnubayan ng pagpapahalagang moral at ispiritwal bilang Pilipino. Kaya sa bawat aralin ng wika at pagbasa, bibigyang diin ang mga pagpapahalagang huhubog sa mga kabataan upang maging maka-Diyos, makatao at makabansa.
Sa paraang ito, buo ang aking paniniwala na ang Wikang Filipino ay manatiling pag-asa sa pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino, ang wikang minana natin sa ating mga ninuno, ating yaman, ating buhay. Ang Wikang Filipino, sagisag ng ating Inang Bayan, Wikang nagpakikilala at nagbibigkis sa ating pinag-ugatang lahi. Mabuhay tayong mga Pilipino, Isang Wika, Isang Bansa tungo sa kaunlaran at nagkakaisa.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=3432.0