Pumanaw si Heneral Douglas MacArthur sa edad na 84 sa araw na ito noong 1965 sa Washington DC, dahil sa billary cirrhosis, at bilang parangal sa kanyang natatanging serbisyo sa Amerika, binigyan siya ng libing na may buong parangal pangmilitar sa Norfolk, Virginia sa Amerika. Isa si Douglas MacArthur sa mga bantog at mahuhusay na heneral ng hukbo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at isa sa mga natatanging pinunong militar sa kasaysayan ng Estados Unidos na si Douglas MacArthur, na isinilang noong ika-26 ng Enero, 1880 sa Little Rock county sa Arkansas, Estados Unidos.
Ama niya ang beteranong sundalo ng nagdaang Digmaang Sibil at dating Gobernador-Militar ng Amerika sa Pilipinas na si Arthur MacArthur. Mula Arkansas, lumipat sa San Antonio, Texas ang pamilya MacArthur at sa pagnanais na sundan ang yapak ng ama, pumasok ang batang Douglas sa West Texas Military Academy, kung saan sumali siya sa mga larong pampalakasan, at noong 1903 ay nagtapos siya nang may karangalan sa prestihiyosong West Point Military Academy. Napabilang sa Army Engineering Corps si MacArthur, kung saan nadestino siya mga bansang Japan, Mexico at sa Pilipinas. Nahasa rin ang kanyang kakayahan bilang magaling na sundalo sa mga labanan sa Meuse-Argonne at sa Sedan sa France noong sumali ang Amerika sa digmaan sa Europa noong 1918.
Pagbalik sa Amerika, humawak siya ng iba't ibang posisyong militar, gaya ng superintendent sa West Point, habang tumataas naman ang kanyang ranggong militar mula Brigadier General hanggang sa Army Chief of Staff. Naging hepe siya ng American Olympic Committee, hanggang naapektuhan ang kanyang karera sa Great Depression. Naging aktibong kritiko si Heneral MacArthur sa paglaganap ng komunismo at agresyon ng Japan sa Asya, kaya itinalaga siya ni Pangulong Franklin D. Roosevelt bilang tagapayong militar at ipinadala siya sa Pilipinas para magtayo ng isang army defense force. Hulyo 1941 nang itinatag niya at pinamunuan ang USAFFE (United States Army Force in the Far East), pero dahil sa mga sunud-sunod na pagkatalo ng nga pwersang Amerikano at Pilipino sa Pilipinas sa harap ng pagsalakay ng mga Hapones, napilitang lumikas pa-Australia si Heneral MacArthur, pagkatapos niyang bitawan ang pamosong katagang "I Shall Return!". Oktubre 1944 nang bumawi si Heneral MacArthur sa mga naging pagkatalo ng Amerika sa Pilipinas bilang hepe ng USAFFE. Hindi lang niya nabawi ang kanyang nasirang karera kundi nabantog rin bilang isang mahusay na pinunong militar ng Amerika. Itinalaga siya ni Pangulong Harry S. Truman bilang Punong heneral ng mga pwersang Allies sa Asya Pasipiko, at nanguna rin sa seremonya ng pagsuko ng Japan sa digmaan noong Setyembre 1945, at sa paglilitis sa mga Hapones na war criminal.
Muling nasa entablado ng digmaan si Heneral MacArthur nang maging pinuno ng mga pwersa ng United Nations noong Korean War, pero dahil sa alitan sa pagitan niya at ni Pangulong Truman kaugnay sa istratehiya, tinaggal siya bilang pinuno ng UN noong 1951. Kahit nagretiro na, hindi pa rin tumigil ang alitan at pasaringan ng dalawa, bagama't tinitingala pa rin siya bilang Bayani. Tinaggihan naman ng bagong-halal na Pangulong Dwight Eisenhower ang payo ni MacArthur na gamitin ang nuclear weapons sa Korea. Naging chairman siya ng komite ng isang pagawaan ng mga makinilya sa New York, at ginugol niya ang kanyang natitirang panahon para magsulat ng memoirs.
Mga Sanggunian:
• Biography.com Editors (2021, April 20). Douglas MacArthur (1880-1965). Biography.com
https://www.google.com/amp/s/www.biography.com/.amp/political-figure/douglas-macarthur• History.com Editors (2019, June 7). Douglas MacArthur. HISTORY.COM
https://www.google.com/amp/s/www.history.com/.amp/topics/world-war-ii/douglas-macarthur#SulyapSaNakaraan
#DouglasMacArthur #USGeneral
#WorldHistory #SocSciclopedia
* * * * * * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122112.0