Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Mariano Ponce Writes to Emilio Aguinaldo  (Read 377 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 34033
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Mariano Ponce Writes to Emilio Aguinaldo
« on: June 10, 2022, 07:45:29 PM »
Sa araw na ito noong 1899, dalawang sulat ang ipinadala kay Pangulong Emilio Aguinaldo mula sa Pilipinong manunulat at repormistang si Mariano Ponce na nakabase sa Yokohama, Japan bilang kinatawan ng Pilipinas sa Japan. Nakasaad sa mga sulat ni Mariano Ponce na limang opisyal na militar ng Imperial Japan ang pinili nang mabuti ni Ponce para makapaglingod sa hukbong Pilipino laban sa Estados Unidos. Sinabi rin ni Ponce kay Aguinaldo sa nasabing sulat na nakahanda silang ibigay ang kanilang serbisyo sa Unang Republika.

Ayon rin sa kanya, masusi niyang pinili ang limang Hapones para maglingkod nang boluntaryo sa ating hukbo, at siya rin ang sumagot ng pamasahe ng limang Hapones at ang allowance ng mga ito papuntang Pilipinas. Ito ay sina Kapitan Tei Hara, Shintetsu Nishiuchi, Saburo Nakamori, Asahiro Inatomi, at Keizo Miyai. Si Kapitan Hara ang pinakapinuno ng limang Hapones na boluntaryong ito, at ayon sa mga talâ sa kasaysayan, dati na siyang nakipaglaban sa China noong unang Sino-Japanese War noong 1894, at nakapaglingod sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Tomas Mascardo noong panahon ng rebolusyon. Sa lahat ng lima, si Kapitan Hara ang pinakamasigasig na boluntaryong Hapones na naglingkod sa ating bansa noong panahon ng digmaan laban sa Amerika, bago bumalik sa Japan ang limang mga Hapones na ito pagkabagsak ng pamahalaan ni Aguinaldo. Bago mamatay noong 1933 ay sinabi ni Hara sa kanyang mga kapatid na hintayin ang kalayaan ng Pilipinas, at ipaalam iyon sa kanyang libingan.

Mula pa noong panahon ng rebolusyong Pilipino, nakita na ng Pilipinas ang bansang Japan na noo'y papausbong na isang makapangyarihang bansang Asyano bilang kasangga nila laban sa kolonyalismong kanluranin, bagama't tumanggi ang ilang mga Hapones na lumahok sa rebolusyon kontra Espanya. Sa mga huling taon ng ika-20 siglo, naging kanlungan ng mga tagapagtaguyod ng Pan-Asyanismo at kalayaan ng mga bansang Asyano mula sa mga kanluranin ang Japan, kung saan nakabase ang ilan sa mga Tsino, Koreano at Pilipinong nagsusulong ng nasabing ideya gaya ni Sun Yat Sen, Artemio Ricarte at si Mariano Ponce. Inatasan rin ni Pangulong Aguinaldo si Ponce na makabili ng mga karagdagang armas at bala mula Japan, na hindi na nakarating sa ating bansa dahil natamaan ng isang bagyo sa Taiwan.

Sanggunian:
• The Philippines Today (2020).
https://thephilippinestoday.com/june-8/

#SulyapSaNakaraan
#EmilioAguinaldo #MarianoPonce
#PhilippineHistory #SocSciclopedia

* * *
Avail of easy and fast online loan at www.tala.com Philippines



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122620.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET travel tickets, hotel rooms and all travel needs at www.klook.com

GROW YOUR MONEY FASTER than bank deposits at www.coins.ph

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts