The Philippines > Philippine Government

SALARY HIKE PARA SA MGA GURO, POSIBLE NGAYONG TAON

(1/1)

MikeLigalig.com:
THE HONORABLE SALVADOR B. BELARO, JR.
1-Ang Edukasyon Party-list
Assistant Majority Leader

Pag gusto, may paraan

SALARY HIKE PARA SA MGA GURO, POSIBLE NGAYONG TAON

Mga posibleng pagkuhahan ng pondo, inisa-isa ng isang mambabatas

Kahit naikamada na ang national budget para sa kasalukuyang taon, pwede pa ring mangyari ang inaasam ni Pangulong Rodrigo Duterte na malakihang pagtaas sa sweldo ng mga guro.

Bukas ang isipan namin sa Kongreso na pag-aralan ang iba’t ibang paraan ng mapagkukunan ng pondo. Narito ang ilang posibilidad:

1)  Maglabas ng isang Executive Order na ina-amyendahan ang bagong salary schedule na nakasaad sa E.O. 201, series of 2016;

2)  Maglaan ng supplemental budget na P50 billion hanggang P100 billion;

3)  Kuhanin ang pondo mula sa Gender and Development (GAD) fund ng bawat ahensiya; at

4)  Kuhanin ang pondo sa mula Travel fund ng CHED, DepEd, at iba pang ahensiya.                                                   
Ipinapatupad na ngayon ang third tranche ng pagtaas ng sweldo dahil sa pagbabago ng ng salary schedule ng mga empleyado sa gobyerno. Sa 2019 naman ang ikaapat na bugso (4th tranche).

Pwede naman gawing dalawa o tatlong installment ang pag-doble sa sahod ng mga guro, depende sa availability ng pondo mula sa iba’t ibang sources.

Kapag gusto may paraan. Hanapan natin ng paraan tulad ng paghanap natin ng paraan para maipatupad ang pagtaas sa sweldo ng mga sundalo at pulis.

Naresolba na natin ang problema sa access sa edukasyon sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Free College Education Law).

Panahon naman ngayon para pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti sa quality ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay umento sa sahod ng mga guro na magbibigay daan para makahikayat tayo ng mga matatalinong kabataan at propesyunal para pasukin ang propesyon ng pagtuturo.

Para naman sa pagpapatayo muli ng mga classroom at school buildings na nawasak dahil sa bagyo, lindol, landslide, armadong bakbakan, at iba pang kalamidad, nariyan naman ang credit line na $500 million ng World Bank para sa Pilipinas. (WAKAS)

^^^^^^^
Book your place/hotel/apt to stay on your next travel at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89021.0

Navigation

[0] Message Index

Go to full version