PCG RESCUER, KINILALA NG PSG AT GINAWARAN NG “AFP BRONZE CROSS AWARD”
Kinilala ng Presidential Security Group (PSG) si CG Seaman Second Class (SN2) Mark Leo G Agustino ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Malacañang dahil sa kabayanihang ipinamalas niya para mailigtas ang isang indibiduwal na muntik malunod sa Quezon Bridge kahapon, ika-03 ng Marso 2022.
Nang mapag-alaman ang insidente sa report ng isang concerned citizen, agad na pinuntahan ni CG SN2 Agustino ang naturang tulay at mabilisang sinisid ang Pasig River. Ito ay para mailigtas ang biktima na kinilalang si Leopoldo Dela Cruz, 38 taong gulang at residente ng Cavite City.
Pagkalipas ng 20 minutong search and rescue (SAR) operation, natunton ni CG SN2 Agustino ang biktima at maingat na isinakay sa isang tugboat. Dinala si Dela Cruz sa PCG Station Malacañang para mabigyan ng first aid at masigurong maayos ang kanyang kondisyon.
Sa imbestigasyon, ibinahagi ni Dela Cruz na tumalon siya sa Quezon Bridge dahil mayroon daw humahabol sa kanya, pero hindi niya alam ang pagkakakilanlan nito.
Dahil dito, ginawaran si CG SN2 Agustino ng “AFP BRONZE CROSS AWARD” bilang pagkilala sa kanyang katapangan tungo sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin na itataguyod ang kaligtasan ng kapwa Pilipino, anuman ang sakripisyong kaakibat nito.
SALUDO KAMI SA IYO, CG SN2 AGUSTINO!
#DOTrPH

#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks
Get Fast Online Philippines Loan Approval at
www.tala.comLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121920.0