REP. BERNADETTE “BH†HERRERA-DY
Bagong Henerasyon Party-list
Chair, Committee on Public Information
TINIMBANG NGUNIT KULANG ANG MGA HAKBANG KONTRA TRAPIK NGAYONG PASKO
Kailangan pa ring dagdagan ng mga shopping mall ang kanilang mga parking management and traffic congestion response measures para maibsan ang matinding trapik hindi lamang sa mga lansangan sa paligid ng mga mall kundi pati rin sa kanilang parking areas, lalo na ngayon Kapaskuhan, ayon sa Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy.
"Sadyang matiisin at sanay na masyado sa hirap sa kalsada ang mga motorista sa Metro Manila at iba pang highly-urbanized centers ng ating bansa, pero hindi ito dapat samantalahin ng mga mall," giit ni Rep. Herrera-Dy, may-akda ng House Bill 2263 (proposed Car Park Security Act) at kasapi ng House Committee on Metro-Manila Development.
Kulang na kulang, sa pananaw ng kongresista ang mga tauhang naka-deploy at sa mga parking lots naman ay nagkakatrapik dahil sa paikot-ikot na hanapan ng bakanteng mapagpaparadahan.
"Bakit hindi pa sila gumagamit ng mobile apps para matulungan agad ang mga motorista na makita kung saan ang mga bakanteng parking slot? Hindi naman siguro mahirap nang gawin iyang mobile apps dahil meron silang mga CCTV na nakakalat sa bawat bawat zone ng parking area at meron pa silang rumorondang security guards," dagdag ni Herrera-Dy.
Pansin rin ng congresswoman na tila walang koordinasyon ang ilang mall sa mga barangay at munisipyo o city hall dahil habang nagkalat ang tao sa lansangan sa palig ng mall ay wala man lang mga taong inilalayo ang mga commuter sa sakuna.
"Hindi na-mamaximize ng mga mall ang kanilang transport terminals dahil maraming tao ang nag-aabang pa rin ng masasakyan sa kalsada mismo. Tinimbang ngunit kulang pa rin sila. Parang inaasa lahat sa MMDA," ani Herrera-Dy. (WAKAS)
::Thanks for sharing this link::
Stay protected from viruses and hackers. Download Avast at
https://goo.gl/S5BzjdLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88625.0