The Philippines > Philippine Government

MODERNIZED JEEPNEYS, DAPAT NANG IPASADA NGAYONG SUMMER

(1/1)

MikeLigalig.com:
REP. CARLOS ROMAN UYBARRETA
1-CARE Party-list
Vice Chair, Committee on Energy
Member, Appropriations, Transportation, and 7 other Committees
Mobile: 0917-729-2437 

MODERNIZED JEEPNEYS, DAPAT NANG IPASADA NGAYONG SUMMER

Dapat nang payagan ng LTFRB ang pagpasada sa mga lansangan ng mga modernong bersyon ng public utility jeepneys kung sapat na ang bilang ng mga ito at natiyak na ang road-worthiness.

Yan ang udyok ni Rep. Carlos Roman Uybarreta sa LTFRB.

Si Uybarreta ay kasapi ng House Committee on Transportation at Vice Chair ng House Committee on Energy. 

“Ngayong summer vacation ang tamang tiyempo para ipasada ang mga bagong jeepney para maging pamilyar na dito ang mga commuters,” ani Uybarreta, kinatawan ng 1-CARE Party-list. 

Idinagdag pa ng mambabatas na “habang isinasagawa ang break-in at test runs, maaari nang magsimulang mag-hire ang mga operator ng mga magagalang, at matitinong drivers.”

“Hayaan nating mga commuters ang mamili. Sa mga modernong jeepney ba na ligtas, malinis, at may aircon pa sila sasakay o sa bulok at lumang jeep?” 

Tingin ni Uybarreta, kapag commuters ang pipili maiiwasan na ang iringan sa kalsada sa pagitan ng gobyerno at iilang transport operators na kontra sa PUV modernization. 

“Alam ng commuters kung alin sa mga pumapasadang sasakyan ang tama para sa kanila. Alam din nila kung saang terminal sila pipila at kung alin ang paparahin. Karapatan nila iyan bilang commuters,” pananaw ni Uybarreta. (WAKAS)

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89505.0

Navigation

[0] Message Index

Go to full version