AETDC, nagbigay ng Huling Pagpupugay at Pasasalamat kay MAJ EMMANUEL V MAKALINTAL PAF
Press Release - Nagbigay ng huling pagpupugay ang mga miyembro ng Air Education, Training and Doctrine Command o AETDC sa labi ni MAJ EMMANUEL MAKALINTAL PAF sa kanyang pagdaan sa harap ng AETDC patungo sa kanyang bayan sa San Jose, Batangas.
Ang nasabing pagpupugay ay pinangunahan ng kumander ng AETDC na si MGEN PELAGIO R VALENZUELA PAF na dinaluhan din ng mga miyembro ng Fernando Air Base Officers Ladies Club o FABOLC.
Ito rin ay nagsilbing pasasalamat sa di matatawaran na dedikasyon ng pumanaw na opisyal at piloto ng PAF sa kanyang paglilingkod sa bayan.
Samantala, dumalo din sa nasabing pagpupugay ang Bise Gobernador ng Batangas Mark Leviste.
Si MAJ EMMANUEL V MAKALINTAL PAF o kilala sa tawag na "Macky" ay ang Flight Examiner at isa sa mga piloto ng C-130 na may tail number 5125 na nasawi sa pagbagsak nito sa Patikul, Sulu noong ika-4 ng Hulyo.
Siya ay miyembro ng PMA Class 2007 at nagsanay sa pagpipiloto sa AETDC at naging kabilang sa Military Pilot Training Class o MPT Class 2011. (CPT MARK FERDINAND P VILLAMIN, C,PIO, AETDC)
#AETDCMentors
#nagpapasalamatatnagpupugay
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121562.0