REP. SALVADOR B. BELARO, JR.
1-Ang Edukasyon Party-list
Assistant Majority Leader
Member, Higher and Technical Education, Foreign Affairs, and 9 other committees
Pre-Departure Orientation Seminar ‘wag gawing negosyo
“REVITALIZED PDOS” DAPAT IPATUPAD NG STATE UNIVERSITIES & COLLEGES UPANG MAGING MABISA AT ABOT-KAYA
[Licensed social workers dapat ipadala sa Kuwait para sumaklolo sa mga biktimang OFWs – Rep. Belaro]
Upang matugunan ang maraming bilang ng insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mga OFW household service workers sa Kuwait, hinihiling natin sa OWWA na magtalaga at magpadala sa Kuwait ng mahuhusay at lisensiyadong social workers.
Magiging pangunahing misyon ng OWWA social workers doon ang agarang pag-agapay sa mga OFW na biktima ng kanilang mga employer.
Pabor ako sa ideya ni DOLE Secretary Silvestre Bello, III na palitan ang kasalukuyan sistema ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) na ginagawang pinagkakakitaang negosyo lamang sa halip na makatulong sa mga idedeploy na OFWs.
Para maging makabuluhan at di lamang gawing negosyo ang PDOS, ipinapanukala kong dapat ang mga state universities and colleges ang humawak sa PDOS tutal maraming campus ang SUCs sa buong bansa at sila ay mga pampublikong paaralan na hindi maniningil ng mahal.
Pabor rin ako sa panukala ni Senator Manny Pacquiao na magkaroon ng manual o handbook na mababasa at magagamit ng mga OFW. Sana ang mga manual na iyan ay nasa wikang mauunawaan ng mga OFW.
Huwag sanang sa Ingles lamang o Filipino (batay sa Tagalog) nakasulat ang PDOS manual, kundi pati na rin sa mga pangunahing regional languages sa bansa gaya ng Cebuano, Bicol, Ilocano, Hiligaynon, at Kapampangan para maging mas mabisa ito. (END)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89269.0