REP. RON P. SALO
KABAYAN Party-list
Assistant Majority Leader
Member, Foreign Affairs, Overseas Workers Affairs, and 10 other Committees
PRIVATE LAWYERS NA BIHASA SA KUWAITI JUDICIAL SYSTEM DAPAT I-HIRE PARA USIGIN ANG MGA KILLER NI JOANNA DEMAFELIS
Kaso ‘wag lang basta ipaubaya sa Kuwaiti prosecutors – Rep. Salo
Nagpapasalamat tayo sa pamahalaan ng Lebanon at sa Interpol sa pagkadakip kay Nader Essam Assaf, ang lalaking employer at isa sa dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa kababayan nating si Joanna Demafelis.
Upang masigurong makakamit ng pamilya Demafelis ang katarungan, nananawagan ako sa Department of Foreign Affairs na kumuha ng serbisyo ng mga pribadong abogadong bihasa sa pasikut-sikot ng Kuwaiti judicial system na tutulong sa ating gobyernong maipanalo nang mabilis ang kaso laban sa mga akusado.
Maaaring gamitin ang assistance to nationals fund ng DFA at legal assistance fund ng OWWA para tustusan ito.
Tiwala akong tututukan ng DFA ang kaso at hindi lamang basta ipauubaya sa Kuwaiti prosecutors ang pagpursige sa kaso.
Bilang Kasapi ng House Committees on Overseas Workers Affairs at Foreign Affairs, nanawagan din ako sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait na huwag hihinto sa pagbibigay ng updates sa atin dito sa Pilpinas hinggil sa bawat yugto ng kaso. Paraan ito para matutukan ng sambayanan ang kaso ni Demafelis.
Ang mabilis na prosecution laban sa mga killer ni Demafelis ay magsisilbing babala sa mga foreign employer para tratuhin nang makatao ang mga OFWs na naninilbihan sa kanilang bansa.
Ang pagkamit ng hustisya para kay Demafelis ay pagtataguyod sa dignidad ng bawat OFWs sa Middle East at sa bawat sulok ng mundo. (WAKAS)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89264.0