Press Release
KOMPORTABLENG BUHAY PARA SA LAHAT
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng maayos na buhay ang bawat mamayang Pilipino, naniniwala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kahalagahan ng MAAYOS NA PANTALAN para makatulong sa KOMPORTABLENG BUHAY ang mga residente ng isang bayan, gaano man ito kalayo sa kabisera ng bansa.
Kaya naman bilang kinatawan ni Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade, ininspeksyon ni PCG Commandant, Admiral George V Ursabia Jr ang nagpapatuloy na konstruksyon ng KALAYAAN SHELTERED PORT sa Kalayaan, Palawan noong ika-25 ng Mayo 2021.
Bago tumulak pa-Kalayaan, inabisuhan ni Secretary Tugade si Admiral Ursabia na alamin ang pinakahuling lagay ng DOTr port project na ito. Isa kasi ang naturang proyekto sa nakikitang susi sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng ating mga kababayan sa munisipalidad.
Pagkatapos ng ocular inspection, ipinahayag ni Admiral Ursabia ang kanyang kagalakan sa mga pagbabagong na-obserbahan sa Kalayaan, kumpara nung huli niya itong nabisita noong 2015.
"Nakakatuwang makita na malaki na ang pinagbago dito — mas maayos na ang daan at standard of living ng mga tao. Umaasa ako na patuloy na gaganda ang samahan ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno dito at ang Coast Guard ninyo po: We will step up our presence here. Dahan-dahan, as we grow, sisiguruhin namin na ang Kalayaan ay magiging kabahagi sa pagbangon at paglago ng ating bansa," mensahe ni Admiral Ursabia sa maikling pagpupulong kasama ang ilang residente ng Kalayaan, Palawan.
#DOTrPH

#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121274.0