REP. BERNADETTE “BH” HERRERA-DY
Bagong Henerasyon Party-list
Chair, Committee on Women and Gender Equality
Member, Foreign Affairs, Social Services, and 8 other committees
SUHESTIYON SA SENADO, DFA, DOLE:
HIMUKIN ANG KUWAIT NA MAGING SIGNATORY SA INTERNATIONAL LABOR CONVENTIONS
Kafala system, dapat nang ibasura – Rep. Herrera-Dy
Sana magawan ng paraan ng mga kapwa nating mambabatas sa Senado at ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Kuwait ay maging signatory o partido ng lahat ng international conventions na nagbibigay proteksyon sa migrant workers.
Bilang Committee on Women & Gender Equality Chair at Committee on Foreign Affairs Member sa Kamara, nananawagan akong ikampanya ng ating pamahalaan ang pagbasura sa “kafala” system na umiiral pa rin sa ilang bansa sa Middle East. Kapansin-pansin rin na mayroong ilang bansa na excluded ang domestic workers sa saklaw ng kanilang labor laws at social security coverage.
Kailangang ikampanya ng DFA sa mga bansang kasapi ng Gulf Cooperation Council ang karampatang proteksyon para sa mga household service workers.
Tinuran ni Senator Joel Villanueva sa Senate hearing nitong Pebrero 21 na hindi pa signatory ang Kuwait sa apat na mahahalagang international labor conventions. Nagpapasalamat kami kay Sen. Villanueva na binigyang-pansin niya ito.
Pinupuri rin natin ang kabutihang-loob ni Senator Manny Pacquiao sa pagsagot sa malaking utang ng pamilyang Demafelis kaugnay sa lupa.
Pabor tayo sa mungkahi ni Senator Cynthia Villar na mapondohan ang isang mabisang computerized database ng mga lahat na OFW sa buong mundo upang madaling malaman kung nasaan sila at ano ang estado ng kanilang pagtatrabaho roon.
Nagagalak tayo na magpapadala na ang DOLE ng isang team patungong Kuwait upang maplantsa na ang isang bagong Memorandum of Agreement. Maging matagumpay nawa ang kanilang misyon doon. (WAKAS)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89261.0